WALANG duda, musically gifted si Yeng Constantino. Isa siya sa pinakamahusay, kung hindi man ang pinakamahusay na singer-composer, sa kanyang henerasyon.

Nakakagawa si Yeng ng orihinal na tunog at titik. Napanood ng publiko sa Pinoy Dream Academy ang napakagaan niyang paglikha sa Hawak Kamay na naging anthem ng show at maging ng mga kahenerasyon niya pagkatapos ng reality show contest.

Agad naging big hit ang Hawak Kamay na nasundan pa nang nasundan ng magkakasunod na komposisyon ni Yeng na agad ding naging big hit at minahal ng music lovers.

Pagkatapos ng unang interview noong maging winner sa Pinoy Dream Academy, pangalawang one-on-one interview pa lang ng inyong lingkod kay Yeng sa exclusive luncheon with Society of Philippine Entertainment Editors na ipinatawag ni Joyce Ramirez ng Publicity Asia para sa pelikulang Write About Love ng TBA Studios (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions). Pero, sa wakas, na-figure out na namin kung ano ang sekreto ng pagiging hitmaker ni Yeng. Ang kanyang honesty at mataas na emotional intelligence.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Nasaksihan na rin ito ng netizens nang agaran niyang tanggapin ang pagkakamali sa ranting post niya nang maaksidente ang asawang si Victor “Yan” Asuncion sa Siargao. Tinanggal ni Yeng ang lahat ng pride sa paghingi ng apology sa doktor at ospital na nag-asikaso sa husband niya.

Katangian ito ng tunay na alagad ng musika, ang likas na kakayahang makasabay sa kumpas ng panahon.

Pero bukod sa pagiging accomplished musician, passionate din sa acting si Yeng.

Hindi niya pinalalampas ang pagkakataon na makaganap sa pelikula tuwing may inaalok sa kanyang role na nagugustuhan niya. Alternative pop rock ang genre niya sa music, kaya hindi kataka-takang may affinity rin siya sa indie films.

Noong nakaraang taon, ginawa niya ang Eternity Between Seconds at ngayong 2019 naman ay lead role siya sa Write About Love kasama sina Joem Bascon, Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Marami ang curious sa pelikula ni Yeng sa TBA Studios na nakilala sa historical epics na Heneral Luna at Goyo at pati Birdshot.Co-written at idinirihe ni Crisanto B. Aquino ang Write About Love na nilapatan naman ng musika ni Jerrold Tarog.

Ito ang directorial debut ni Aquino na paboritong assistant director ng mga batikang sina Chito Roño, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Cathy Garcia-Molina at Jerrold Tarog.

“We wanted to do a film about the unsung heroes of filmmaking – the scriptwriters,” pahayag ng executive producer na si Eduardo Rocha.

“About their writing process and how they create characters which often turns out to be their alter egos.”

Kasunod ng artikulong ito bukas ang one-on-one namin ni Yeng.

-DINDO M. BALARES