SAMPUNG kasunduan sa negosyo ang nilagdaan sa naging pagbisita ni Pangulong Duterte sa Moscow, Russia, ngayong linggo, tatlo sa mga ito ang para sa pagluluwas sa nasabing bansa ng tuna at sardinas at isa para sa coconut milk products. Maliit lamang itong halaga kung ituturing ngunit ang mga ito ay malaking hakbang para sa pagpapalakas ng ating ugnayan sa Russia, isang malayong bansa base sa heograpikal at kasaysayan mula sa Pilipinas.
Sa panahon ng Cold War, nang mahigpit na nakapanig ang Pilipinas sa kabila na pinamumunuan ng Estados Unidos, walang anumang ugnayan ang Pilipinas sa Russia at China. Ngunit sa pagpasok ng administrasyong Duterte, nagbukas ang Pilipinas sa mas malaking mundo. Sa kasalukuyan, isa ang China sa may pangunahing ugnayan sa ating foreign policy at economic development program, at ngayon naghahangad si Pangulong Duterte na makamit ang mas mahigpit na ugnayan sa Russia, bilang bahagi ng mas pinalawak, pinalaki, at mas bukas na ugayang panlabas.
Sinabi ni Secretary of Trade and Industry Ramon Lopez, na sa kasalukuyan mayroong nasa $100 milyong iniluluwas ang Pilipinas sa Russia. Ang bagong kasunduan para sa pagluluwas ng tuna at sardinas ay magdaragdag ng $10 milyon sa dati nang datos, o katumbas ng 10 porsiyentong pagtaas. “This is just the beginning of our strengthening ties with Russian investors,”aniya.
Ibinahagi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Pilipinas sa kasalukuyan ang nangungunang tagapagluwas ng tuna sa mga bansa sa Spain, Germany, atUnited Kingdom – na may kabuuang $492 milyon kada taon. “The Philippine tuna industry will profit immensely if we are able to maximize our entry into the Russian market,”aniya.
Nagpahayag din ang Russia ng interes sa oil and gas exploration sa bansa at ang potensiyal na pagtatayo ng mga power plant at proyektong pang-enerhiya. Sinabi ni Secretary of Energy Alfonso Cusi na pinag-aaralan na ngayon ng Pilipinas ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa Rosatom company ng Russia na bumubuo ng “floating nuclear plant technology.”Ang bagong teknolohiyang ito ang sumasagot sa maraming kuwestiyon hinggil sa panganib na maaaring idulot ng mga plantang nukleyar sa mga teritoryo at populasyon.
Sa naging pagpupulong nina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin, nagkasundo rin ang dalawang lider para sa kooperasyon pang-depensa, pagbabahagi ni Communications Operations Secretary Martin Andanar. Habang nagpapatuloy ang mutual defense treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos, “in the same way, we will foster our relationship with China and Russia,” aniya. Nagdesisyon na rin ang Pilipinas na bumili ng mga Russian helicopters na ininspeksiyon mismo ni Pangulong Duterte at ng kanyang mga opisyal sa naging pagbisita sa nasabing bansa.
Naging matagumpay kasama ng malaking potensiyal para sa negosyo at pagpapaunlad ng dalawang bansa ang naging pagbisita. Higit sa ekonomikal na ugnayan, dapat na magbigay ito ng higit na tao sa tao, panglipunan at kultural na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa mga darating na panahon