NAITALA ng La Salle ang unang winning streak sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa dominanteng 85-61 panalo kontra National University nitong Linggo sa MOA Arena.
Pinangunahan ni Justine Baltazar ang ratsada ng Green Archers sa natipang 25 puntos at 25 rebounds para sandigan ang La Salle sa ikalawang sunod na panalo.
“We just wanted a different approach in the second round. It’s just our mindset has to change heading to the second round,” pahayag ni coach Gian Nazario.
Sa kaganapan, nakatabla ang La Salle sa University of Santo Tomas (4-4) para sa ikatlong puwesto sa team standings at bigyan buhay ang kampanya para sa Final Four.
Hataw din si Andrei Caracut sa naiskor na 16 puntos, tampok ang 3-of-4 shooting, bukod sa anim na rebounds, at limang assists, habang kumana si Jamie Malonzo ng 12 puntos at limang rebounds.
Umabot sa 24 puntos, 63-39, ang bentahe ng La Salle may 1:25 ang nalalabi sa ikatlong period.
Nanguna si Dave Ildefonso sa NU (1-7) na may 11 puntos, dalawang rebounds, at isang steal.
Nabuhay din ang inaasam na Final Four slot ng Far Eastern University nang gapiin ang Kobe Paras-led University of the Philippines, 82-79, para makisosyo sa La Salle at UST.
Naisalansan ni Ken Tuffin ang season-best 18 puntos, tampok ang 5-of-6 sa three pointer, habang kumasa si L-Jay Gonzales na may career-high 17 puntos, 12 boards at anim na assists.
“We told them to focus on what’s right in front of us which is UP, and that’s what we did,” sambit ni FEU coach Olsen Racela.
Nanguna si Paras sa Fighting Maroons na may 22 puntos at siyam na rebounds.
Iskor:
(Unang Laro)
DLSU (85) -- Baltazar 25, Caracut 16, Malonzo 12, Lojera 9, Serrano 8, Melecio 6, Bates 4, Manuel 4, Hill 1, Bartlett 0, Escandor 0, Lim 0.
NU (61) -- D. Ildefonso 11, S. Ildefonso 10, Diputado 8, Gallego 7, Clemente 5, Galinato 5, Gaye 5, Tibayan 3, Yu 3, Mangayao 2, Minerva 2, Joson 0, Malonzo 0, Oczon 0.
Quarterscores: 26-9, 44-24, 65-48, 85-61.
(Ikalawang Laro)
FEU (82) -- Tuffin 18, Gonzales 17, Tchuente 14, Torres 12, Comboy 10, Stockton 5, Cani 4, Eboña 2, Alforque 0, Bayquin 0, Bienes 0, Celzo 0, Nunag 0.
UP (79) -- Paras 22, Akhuetie 14, Ja. Gomez de Liaño 11, Ju. Gomez de Liaño 8, Manzo 7, Tungcab 5, Rivero 4, Spencer 3, Webb 3, Prado 2, Jaboneta 0, Murrell 0.
Quarterscores: 18-17, 30-27, 60-43, 69-69, 82-79.