MAAARI ng makita ng mga mahilig ang kasaysayan kung ano ang hitsura ng Intramuros dati sa nalalapit na pagsisimula ng isang augmented reality app na magbibigay pahintulot sa mga gumagamit sa isang 3D experience ng old walled city.

Nitong Biyernes, lumagda sa isang kasunduan ang Department of Tourism at iAcademy, isang paaralan na nakatutok sa computing, business, at design, upang gumawa ng mga pelikula at mga augmented reality app na gagawa sa isang promotional material upang makatulong sa pagpupunyagi ng bansa sa turismo.

Unang pupuntahan nito ang Maynila, partikular na ang Intramuros, ngunit umaasa si Tourism chief Bernadette Romulo-Puyat na maaaring umabot pa sa ibang destinasyon sa Pilipinas ito, tulad ng Mt. Samat at Corregidor.

“We’re starting in Intramuros but we want to do it in Corregidor and Mt. Samat. But let’s start first in Manila,” pahayag ni Romulo-Puyat.

Inihayag ni Romulo-Puyat, na siyang nakipagkita na sa mga kinatawan ng iAcademy isang buwan na ang nakakalipas, na na-”amazed” siya sa potensiyal ng AR technology sa pagpapahusay ng karanasan ng mga turista sa kanilang paglalakbay sa bansa.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, umaasa siyang maaakit ang mga mas bata at mga tech-savvy na mga turista na magkaroon ng interes sa kasaysayan at pamana ng Intramuros.

“We want more of the young people to go to Intramuros, so with this technology they can go around and see how it was before so it is interactive,” ani Romulo-Puyat. “It is a new way to attract more people as it’s not only educational but fun.”

PNA