DIKITAN ang labanan sa nalalabing dalawang slots para sa Final Four at para sa San Sebastian Stags at College of St. Benilde Blazers, bawal na ang matalo kung determinado sila sa kampanya na mapatalsik sa trono ang defending champion San Beda.

Sa dalawa, ang Stags ang nasa mabigat na sitwasyon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 95 men’s basketball championship ngayon sa FilOil Flying C Center.

Haharapin ng San Sebastian, kasalukuyang No.4 tangan ang 8-6 karta, ang No.2 seed Lyceum of the Philippines (12-3) sa ikalawang laro ng triple-bill ganap na 2:00 ng hapon.

Mas magaan ang – ang ina a s ahan ng S t . Beni lde , kasalukuyang No.6 tangan ang 6-8 karta – sa pakikipagtuos sa sibak nang Emilio Aguinaldo College Generals (3-12), ganap na 12:00 ng tanghali.

Magtutuos ang dalawang koponan sa ikalawang laro ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at College of St.Benilde sa ika-12:00 ng tanghali.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Labanan sa standings at respeto ang nakataya sa paghaharap ng Jose Rizal University at University of Perpetual Help – kapwa malabo na Finals Four tangan ang parehong 4-10 karta – ganap na 4:00 ng hapon.

Taglay ang barahang 12-3, pupuntiryahin ng Pirates ang ika-4 na sunod na panalo para patatagin ang kampanya sa ‘Twice-to-beat’ advantage. Nanaig ang Pirates sa Stags, 80-69, sa kanilang unang pagtutuos nitong Hulyo 23.

-Marivic Awitan

Standings W L

*San Beda 16 0

*LPU 12 3

Letran 10 6

SSC-R 8 6

Mapua 7 8

CSB 6 8

JRU 4 10

Perpetual 4 10

Arellano 4 11

EAC 3 12

*semifinalist

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

12:00 n.t. -- EAC vs CSB (Men)

2:00 n.h. -- LPU vs SSC-R (Men)

4:00 n.h. -- JRU vs Perpetual (Men)