NAUNGUSAN ng PetroGazz ang PacificTown Army sa huling dalawang set para maitakas ang 25-15, 20-25, 14-25, 25-13, 15-6 panalo nitong Sabado para patatagin ang kampanya sa semifinal round ng Premier Volleyball League Open Conference sa University of San Agustin Gym sa Iloilo City.

Nanguna si Jovelyn Prado sa Angels, reigning Reinforced Conference titlists, na may 14 puntos, habang tumipa sina Cherry Nunag at Kai Baloaloa ng tig-13 puntos para makauungos sa 9-2 karta.

“We showed a lot of improvement since we played a tournament in Taiwan especially our spikers,” pahayag ni PetroGazz coach Arnold Laniog.

Sunod na haharapin ng PetroGazz ang Motolite sa Miyerkoles sa San Juan bago muling bumiyahe sa Bacolod City sa Sabado laban sa leeague leader Creamline sa isa pang out-of-town game.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re also tired but the players showed character and didn’t give up when we were down by a set,” ayon kay Laniog.

Nanatili namang imakulada ang karta ng Creamline sa huling 12 laro nang pabagsakin ang Choco Mucho, 25-15, 25-14, 25-16.

Nanguna si Jema Galanza na may 16 puntos para sa Cool Smashers.