TIWALA si  Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez na magagawa ng tama ng bagong atas na head coach ng  Philippine men’s basketball pool na si coach Tim Cone ang kanyang trabaho para sa nalalapit na hosting ng bansa ng  30th Southeast Asian Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

KASAMA ni Mon Fernandez ang kapwa PSC Commissioner na si Charles Maxey.

KASAMA ni Mon Fernandez ang kapwa PSC Commissioner na si Charles Maxey.

Taong 1990 nang mapabilang si Fernandez sa koponan ng bansa sa basketball na nagwagi ng silver medal sa  Asian Games na ginanap sa Beijing.

At ayon sa kanya, naniniwala siya na madedepensahan ng men's basketball team ang kanilang titulo sa SEA Games, na tangan ng bansa buhat noong 1977.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

“He knows what it takes to win in the Southeast Asian Games. It can be done with an all-pro lineup and even with a mix collegiate stars,” pahayag ni Fernandez, tinaguriang El Presidente ng  Philippine Basketball Association na apat na ulit na naging Most Valuable Player noong kanyang kapanahunan.

Kamakailan ay pinangalanan ni Cone  ang mga manlalaro na bubuo sa  Gilas Pilipinas  kung saan anim dito ay buhat sa koponan ng  Barangay Ginebra San Miguel na sina Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Scottie Thompson, LA Tenorio, Art Dela Cruz at  Stanley Pringle.

Kabilang din sa 15-man team para sa biennial meet sina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Chris Ross, Christian Standhardinger, Roger Pogoy, Troy Rosario, Jayson Castro, Vic Manuel at  Matthew Wright.

“We don’t want to lose this one. This is our home court. This is not the best talent, but we are trying to be the best team that we can,” ayon naman kay  Cone, na may rekord na "the winningest coach" sa PBA tangan ang 21 titulo, kasama ang  grand slam crowns noong 1996 at  2013.

Si Cone ay muling nagbabalik sa national team sa ikalawang pagkakataon, matapos nitong imaneobra ang Philippine Centennial squad noong 1998 sa Asian Games sa Bangkok at nagwagi ng bronze medal.

“We decided to go with a veteran group, again because generally veterans are easier to coach short-term. They pick up things faster than the young guys. This is all about speed and efficiency that we’re trying to do," dagdag pa ni Cone.

Magaganap ang kompetisyon ng men’s basketball sa Disyembre 1 hanggang 10 sa  Mall of Asia Arena sa  Pasay City. Annie Abad