NAKOPO ng Bren Esports, isa sa pinakabeteranong grupo sa eSports community, at CX Blanc ang kampeonato sa P430,000 CS:GO battle at LoL games sa Taiwan Excellence eSports Cup nitong weekend sa The Block Atrium ng SM North EDSA.

NAGDIWANG ang mga kampeon sa 2019 Taiwan Excellence eSports Cup.

NAGDIWANG ang mga kampeon sa 2019 Taiwan Excellence eSports Cup.

Napanood sa buong mundo sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook page ng Taiwan Excellence, sa pangangasiwa ng host na sina Nomadph at Ilustrado, dinumog ng mga eGames supporters at enthusiast ang torneo na isa sa pinaka-sikat na laro ng mga millennial. Ang eSports ay kabilang sa opisyal na laro sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.

Nadomina ng Bren Esports ang CS:GO tournament at masungkit ang cash prize na P56,000. Bawat miyembro ng koponan ay pinagkalooban din ng  Asus ROG Delta Headset, ROG Collection Shirt, ROG Armor Suite Backpack, at P2,000 worth of Sodexo Gift Certificates.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bukod sa premyo, ang Bren Esports ang kakatawan sa bansa sa CS:GO friendly match laban sa Taiwan Excellence eSports Cup winners ng Malaysia, Thailand, India, at Taiwan.

"We're going to practice more in preparation  for our upcoming matches abroad," pahayag ng Bren Esports sa opisyal na mensahe sa media.

Nanaig naman ang CX Blanc sa LoL tournament para sa grand prize na P56,000. Bawat miyembro ay tumanggap din ng Asus ROG Delta Headset, ROG Collection Shirt, ROG Armor Suite Backpack, at P2,000 worth for Sodexo Gift Certificates mula sa Taiwan Excellence.

Pumuwesto sa top 4 ng CS:GO tournament ang Fallen5, WIMAX, at Station 751, habang  kumikig sa Lo Lang PlayLoud, Ruyal, at Archeous.

Gamit ang mga computer at top gaming products mula sa Taiwan PC brands,  inilarga ang Counter Strike: Global Offensive (CS:GO) at League of Legends (LoL) tournaments, gayundin ang cosplay competition na tinampukan ng mga pamosong local players tulad nina Mertly at Ashley Gosiengfiao

Pinangasiwaan ang opening ceremony nina Taipei Economic and Cultural Office (TECO) Director Mr. Wen Chun-Chang at Taiwan External Trade Development Council (TAITRA) Director Mr. Clement Chen, na kapwa nagbigay ng suporta sae Sports community.

Kabilang sa mga kagamitan na ibinida ang Asus Republic of Gamers’ ROG Zephyrus S, Gigabyte Z390 Aorus WaterForce Xtreme motherboard, Aorus memory cards and video cards, AVerMedia’s plug-and-play AM310 USB microphone and Live Streamer Cam 313, InWin’s WINBOT Limited Edition Transparent Spherical case, Kingmax Semiconductor, memory cards and external portable SSDs from Transcend and T Force, Zyxel’s tri-band Wi-Fi system, at peripherals from XPG, Zadak, at G.Skill.