RIGHT time ang pagbisita namin sa set ng inspirational drama series ni Alden Richards na The Gift, dahil naitanong namin ang story ng iniyakan niyang rosary bracelet na lagi niyang suot, na akala ng marami ay nahablot sa kanya sa isang event sa Bulacan na pinuntahan niya. Ano ba talaga ang nangyari?

Alden

“Suot ko po iyon sa show, hindi ko na napansin na napigtal siya, na dapat ang tendency kung lumuwag ang suot mo, sapuhin mo iyon ng isa mo pang kamay, kaya po lamang hindi ko nasalo at bumagsak nang lahat ang mga beads, sumabog na po,” kuwento ni Alden. “Matagal ko nang suot iyon, mga five years na, bigay ng isa kong fan na na-meet ko sa Canada nang una akong mag-concert doon five years ago, si Jen, at galing daw po iyon sa Rome. May St. Benedict’s cross (for protection) iyon at naging tagapag-alaga nito si Mama Ten, na kapag may shoot ako or taping na hindi dapat suot iyon, pinahahawakan ko sa kanya na sabi ko, mawala na ang lahat huwag lamang iyan. Kaya siya po ang napaiyak talaga nang makita niyang sumabog ang bracelet.”

May suot nang bagong rosary bracelet na may St. Benedict’s Cross din at hindi na namin tinanong kay Alden kung sino ang nagbigay noon. Kinumusta namin si Alden kung paano siya nakaka-cope up sa character niyang ang bulag na si Sep sa serye?

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“Medyo po mahirap dahil may suot akong contact lens na mahirap palang umiyak. Pero ngayon, ito na iyong challenge dahil nga bulag ako. Matagal akong nakapikit after the operation sa eksena at pagdilat ko sabi ko kay Direk LA (Madridejos), “Direk nandito na ako, ramdam ko na ang character ko at hindi ko na kailangang umarte.

“Pagdating po sa pagpapakita ng emosyon, mahirap dahil kailangan ko ng extra effort na ipakita ito ko dahil wala nga akong nakikita, kailangan kong i-push nang husto ang sarili ko sa dramatic scenes.”

Alam ba niyang maraming nakikiiyak sa kanyang mga netizens lalo na noong humagulhol siya dahil hindi na nga siya nakakakita?

“Nagpapasalamat po ako dahil nakararating sa aming lahat ang mga papuri nila. Pero utang ko iyon sa magagaling na kasama ko sa cast, sa aming mga writers, especially kay Direk LA. Very open po ni Direk sa kung ano ang napi-feel namin sa oras na umeeksena kami, may times na ang dialogue ko ako ang nagdagdag at hindi iyon pinigilan ni direk, may collaboration po kami sa ginagawa namin. Kaya ako, laging looking forward sa taping namin. Kahit maghapon hanggang gabi kami nagti-taping wala kaming reklamo. Kaya salamat po talaga sa kanila. Lalo iyong mga friends ko na hindi naman nanonood ng teleserye ko, ngayon daw ay hooked na silang manood ng The Gift.

That evening, after ng short interview, umalis muna si Alden para sa isang event sa Philippine International Convention Center, pero bumalik pa rin siya para ituloy ang taping na inabot na ng early morning. This week, dahil wala silang nakabangkong episode, diretso ang taping nila this Monday to Wednesday.

-Nora V. Calderon