PAWANG umusad ang Adamson University, Far Eastern University-Diliman, at University of Santo Tomas ssa second round ng UAAP Season 82 Girls’ Volleyball Tournament nitong Sabado sa Paco Arena.

Pinangunahan ni Team captain Maria Lalongisip sa naiskor na apat ba service aces para sa kabuuang 14 puntos ang Baby Falcons laban sa itleholder De La Salle-Zobel, 25-20, 25-20, 25-23.

Balanseng atake naman ang puhunan ng Baby Tamaraws para daigin ang University of the East , 25-18, 25-21, 25-16, samantalang nagwagi ang Junior Tigresses sa winless University of the Philippines Integrated School, 25-18, 25-18, 25-14.

Magkasosyo ang Adamson at FEU sa ikatlong puwesto na may 4-3 karta, habang umakyat ang UST sa No.2 na may 6-1 marka,

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nangunguna ang National University-Nazareth School (6-0) na nakakuha ng bye sa second round opening.

“Nakakatuwang hindi sila basta biglang bumibitaw which is yun naman yung pinapractice namin, yung pagwwork hard namin this week nag manifest naman sa game. Yung service talaga namin yung naging key dito,” sambit ni Adamson University coach Lerma Giron.