MAY tapang na nagsusumigaw sa damdamin ng Warriors.

Laban sa Adamson Falcons, nanaig ang lakas at determinasyon ng University of the East Warriors, sa pangunguna nina Alex Diakhite at Rey Suerte, tungo sa 80-74 panalo at patatagin ang kampanya sa Final Four sa UAAP Season 82 Men's Basketball Tournament nitong Sabado sa Moa Arena.

bong

Hindi nagpaawat ang dalawa sa second half sa naitumpok na puntos na halos pumantay sa kabuuang bilang na nagawa ng Falcons sa huling dalawang period.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hataw si Diakhite sa naiskor na career-high 29 puntos, 13 rebounds, tatlong assists, at dalawang blocks, habang kumamada si Suerte ng 26 puntos, pitong boards, at tatlong assists para maitala ang ikalawang sunod na panalo para sa Recto-based cagers na pinangangasiwaan ngayon ni Bong Tan, Jr. Tangan ng UE ang kabuuang 3-5 karta.

"It was a team effort. The coaches did their part, the players did their part and even Bong Tan,” pahayag ni UE consultant Lawrence Chongson.

Ang tambalan nina Diakhite at Suerte ay nakapagsalansan sa 17-6 run para mahila ang bentahe ng Warriors sa 65-56 may 8:59 ang nalalabi.

Sa kabila ng paghjahabol ng Adamson, may panapat na rally ang UE para masiguro ang panalo.

Nag-ambag si Lenda Douanga ng 16 puntos at 17 rebounds, habang kumana si Jerom Lastimosa ng 16 puntos, anim na boards, at dalawang assists para sa Adamson.

Nahila naman ng Ateneo ang winning run sa 8-0 nang gapiin ang University of Santo Tomas, 66-52.

Ratsada si Thirdy Ravena sa naiskor na 17 puntos, siyam na rebounds, at dalawang steals para mahila ang winning streak sa 18 kasama ang nakalipa sna season.

Nag-ambag sina SJ Belangel na may 11 puntos at Isaac Go na may walong puntos at tatlong rebounds.

"All I can say is thank God for our defense," sambit ni  coach Tab Baldwin.

"That was a really tough, really physical game, too physical than the way it should be. They really make your life miserable and in the fourth quarter, they started making their shots," aniya.

Bagsak ang Growling Tigers sa 4-4.

Iskor:

(Unang Laro)

ADMU (66) -- Ravena 17, Belangel 11, Go 8, Ma. Nieto 6, Wong 6, Tio 5, Mi. Nieto 4, Navarro 3, Daves 2, Kouame 2, Mamuyac 2, Maagdenberg 0.

UST (52) -- Nonoy 18, Abando 7, Bataller 6, Chabi Yo 6, Concepcion 6, Subido 5, Ando 2, Cansino 2, Bordeos 0, Huang 0, Paraiso 0.

Quarterscores: 10-8, 26-17, 42-35, 66-52.

(Ikalawang Laro)

UE (80) -- Diakhite 29, Suerte 26, Conner 7, Manalang 5, Abanto 3, Antiporda 3, Lorenzana 3, Apacible 2, Tolentino 2, Cruz 0, Pagsanjan 0.

ADAMSON (74) -- Douanga 16, Lastimosa 16, Ahanmisi 11, Camacho 11, Chauca 9, Bernardo 3, Fermin 2, Manlapaz 2, Mojica 2, Yerro 2, Flowers 0, Magbuhos 0, Sabandal 0.

Quarterscores: 18-22, 31-36, 59-56, 80-74.