SIARGAO ISLAND, Surigao del Norte— Magpapakitang-gilas ang Team Philippines, sa pangunguna ni John Mark Tokong, sa pagpaaptuloy ng 25th Siargao International Surfing Cup ngayon sa pamosong Cloud 9 dito.

NAKIISA sa opening day program ng 25th Siargao International Surfing Cup sina (mula sa kanan) Congressman Bingo Matugas, Will Hayden Smith ng World Surf League, PSC Commissioner Ramon Fernandez, Gov. Lalo Matugas ang iba pang opisyal ng organizing committee.

NAKIISA sa opening day program ng 25th Siargao International Surfing Cup sina (mula sa kanan) Congressman Bingo Matugas, Will Hayden Smith ng World Surf League, PSC Commissioner Ramon Fernandez, Gov. Lalo Matugas ang iba pang opisyal ng organizing committee.

Target ng 23-anyos na si Tokong, pambato ng bansa sa 30th Southeast Asian Games surfing competitions sa La Union sa Disyembre, na makasampa sa Top 2 ng kanyang heat para makasungkit ng slots sa susunod na round sa pamosong torneo na itinataguyod ng Globe Telecom at Sprite, sa pakikipagtulungan nina Siargao Representative Bingo Matugas, Surigao del Norte Governor Francisco ‘’Lalo’’Matugas, Department of Tourism at Philippine Sports Commission.

Binubuo ang Siargao International Surfing Organizing Committee (SISOC) nina Governor Matugas, Representative Matugas at Mayor Yayang Rusillon ng General Luna.  Bahago ang torneo ng walang humpay na programa ng lalawigan na maipakita sa mundo ang ganda at kayumihan ng Siargao bilang sports tourism destination.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Iginiit ni Ernest Cu, Globe President and CEO, na malaki ang potensyal ng Siargao bilang major tourist destinations sa Southeast Asia, at malaki ang maitutulong sa turismo sa patuloy na paglago ng ekonomiya at kaunlaran sa pamamagitan ng ‘digitalization and sustainability efforts’.

Tiwala naman si Rep. Matugas sa kakayahan ng Pinoy na may malaking potensyal na magkapagwagi ng gintongh medalya sa Olympics.

‘’Considering that this year is the 25th anniversary of the Siargao Cloud 9 Surfing Cup, we would like to make the event more grand and memorable. We recognize that we cannot do it alone. Globe’s valuable support will surely ensure the competition’s success,’’ pahayag ni Representative Matugas.

Bago pumalaot sa aksiyon, naghanda ang host para sa foreign at local competitors,  local government units officials at miyembro ng media para sa isang mala-piyesta na salo-salo at pagdiriwang sa The Boulevard Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga namataas sa pagdiriwang sina Gov.Matugas, Representative Matugas, PSC Commissioner Ramon Fernandez, Chinese Embassy officials, at iba pang local executives.

Ang event ay QS 1500 at kinikilala ng World Surf League Asia.

``No pressure,’’ sambit ni  Tokong, ipinagmamalaking anak ng General Luna kung saan matatagpuan ang Cloud 9.  ‘’Besides, I’m not the only one left for the Philippines.’’

Kasama niyang magbibigay ng dangal sa bansa sina Christian Araquil at Jay-r Esquivel laban sa pinakamahuhusay na surfer sa mundo.

Nauna nang sumabak, ngunit nabigo sa kani-kanilang heat sina PJ Alipayo, Carlito Nogralo, Kent Brian Solloso at Neil Sanchez.

Ilan sa malalaking pangalan na nakausad sa susunod na round ay sina Argentina’s Santiago Muniz, Japan’s Jin Suzuki, Australians Callum Robson at Samson Coulter, New Zealand’s Elliot Paerate-Reed at Hawaii’s Noah Beschen.