MULING rumatsada sina Geva De Vera at Chanelle Lunod sa krusyal na sandali para makumpleto ng Ateneo ang dominanteng 3-0 panalo kontra La Salle para sa back-to-back title sa UAAP Women's Badminton championship nitong Sabado sa PNP Sports Center Badminton Courts.

NAGDIWANG ang Ateneo sa center court matapos magapo ang La Salle sa women’s badminton Finals.

NAGDIWANG ang Ateneo sa center court matapos magapo ang La Salle sa women’s badminton Finals.

Ito ang ikalimang titulo sa kabuuan ng kampanya ng Lady Eagles sa kompetisyon para tapatan ang arch-rivals Lady Shuttlers sa ikalawang puwesto sa women's badminton championships. Nangunguna ang UP na may siyam na titulo.

"Syempre, I am very, very happy. We did what we set out to do," pahayag ni Ateneo head coach Kennie Asuncion. "Everybody covered for each other."

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Naisalba nina Lunod at De Vera ang matikas na hataw nina  Shaynne Boloron at Palma Cruz para sa 21-11, 21-15 desisyon.

Naunanang nadomina ng Ateneo ang unang dalawang singles matches.

Ginapi ni Lunod si Iyah Sevilla,  21-14, 21-6, sa first singles match, bago kuminang si rookie Mika De Guzman kontra Kanna Baba, 21-13, 21-18, sa rubber match.

Pinagsaluhan nina De Vera at Lunod ang Most Valuable Player honors sa ikalawang sunod na season, habang si De Guzman ang Rookie of the Year awardee.

"For now, we will enjoy this (title). We will of course get back into it. Every year it gets harder, it gets challenging. But we will try our best to keep the title," pahayag ni Asuncion.