PINANGUNAHAN ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William "Butch" Ramirez ang pagbati at pagsalubong sa  mga sports minister mula sa mga miyembrong bansa para sa 5th ASEAN Ministerial Meeting  (AMMS-5) on Sports at Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-9) kahapon sa  Sofitel Hotel sa Pasay City.

RAMIREZ: Nakatuon ang PSC sa grassroots program.

RAMIREZ: Nakatuon ang PSC sa grassroots program.

Layon ng naturang event na higit pang mapagtibay ang pagkakaisa ng mga kasaping bansa upang maipagpatuloy ang pagpapalawig sa palakasan sa buong  ASEAN region.

Dumating sa bansa ang mga pinuno ng mga bansang miyembro ng  ASEAN  na sina  His Excellency Sar Sokha ng Cambodia; Mr. Phouvanh Vongsouthi ng Lao PDR; Mr. Tan Wei Ming ng  Singapore; Ahmad Shapawi Bin Ismail, ng Malaysia; His Excellency Aminuddin Ihsan Pehn Dato HJ Abidin ng Brunei-Darussalam; Mr. Mya Than Htike, ng Myanmar; Mr. Kumekawa Hirokazu ng Japan; Ms. Le Thi Hoang Yen ng Vietnam; at His Excellency Phiphat Ratchakitprakarn ng Thailand.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang  implementasyon ng  regional project at mga aktibidad batay sa  ASEAN Work Plan on Sports para sa taong  2016 hanggang 2020, anghangarin na makapag-host para sa  ASEAN  FIFA World Cup, pagpapalaganap ng  eSports SEA Foundation, at talakayan para sa mga napagkasunduan sa nakaraang  AMMS at SOMS meeting.

“It will be a series of meetings set by the ASEAN secretariat themselves,” pahayag ni  PSC Executive Director Merlita Ibay, head ng local organizing committee.

Magkakaroon ng iba't ibang kaganapan ngayong na may kinalaman sa  SOMS-9 habang pamumunuan naman ni chairman  Ramirez  ang mga aktibidad sa Women in Sports at iba pa.

Makikibahagi din ang mga delegasyon buhat sa  UNESCO, SEARADO, FIFA, UN Women, ASEAN Chess Federation, ASEAN Para Sports Federation, ASEAN Football Federation, at  Right to Play Thailand Foundation.

Tatalakayin ni Ramirez ang pagpapalawig ng grassroots sports program ng Pilipinas sa naturang  AMMS-5 conference. Annie Abad