Last September 13, natapos mapanood sa GMANetwork ang epic-serye na Sahaya na tampok sa title role si Kapuso tween actress Bianca Umali. Natapos ito na mataas ang rating dahil nagustuhan talaga ng netizens ang story ni Sahaya, kung paano siya nagsikap ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan sa Tawi-Tawi at siya ang kauna-unahang Badyaw woman na nakatapos ng college. Katambal ni Bianca si Miguel Tanfelix na gumanap ding isang Badyaw. Ito ay idinerehe ng multi-awarded director na si Zig Dulay.
Ang Sahaya ay napili ng Professional Fiction 13-17 years old category ng SineBata Festival ng Anak TV. Ginanap ang SineBata 2019 Awards Ceremony nitong Oktubre 2, 2019 sa Grand Ballroom ng Manila Prince Hotel, na dinaluhan ng mga students at mga bumubuo ng Team Sahaya ng GMAEntertainment Group sa pangunguna ng Senior Program Manager na si Helen Rose S. Sese.
Ang Sahaya rin ang magiging official entry ng Pilipinas sa darating na 3rdSoutheast Asia Video Festival.
Congratulations!
-NORA V. CALDERON