KABUUANG 16 koponan mula sa iba’t ibang lungsod ng Negros Occidental ang sasabak sa Premier Volleyball League Youth Festival simula bukas sa St. John Institute sa Bacolod City.

Ang kauna-unahang girls under-12 tournament ay bahagi ng programa ng liga para sa ilalargang PVL Open Conference sa City of Smiles sa Oct.13 sa USLS Coliseum.

Kabilang sa mga makikiisa sa torneo ang Pulupandan, San Carlos, Bago City at Silay, gayundina ng Bacolod-based schools University of St. La Salle, Tay Tung, SJI at Bago.

Ang Youth Festival ay bahagi ng programa ng PVL na mabigyan nang pagkakataon ang kabataan na makatikin ng kompetitibong torneo.

“This is in the effort of growing the local talent for volleyball and create an avenue for more opportunities for the young through playing sports,” pahayag ni organizer Bea Tan.

'It was my biggest result!' Alex Eala, inalala pag-ariba mula Marso 2025!

Haharapin ng defending champion Creamline ang PetroGazz sa rematch ng Reinforced Conference championship ganap na 4:00 ng hapon, habang magtutuos sa pambungad na laro ang Pacifictown-Army at BanKo-Perlas ganap na 2 ng hapon.

Magsasagawa rin ng coaching seminar sa Oct. 11-12, at mall visits sa Ayala Capitol.