Now celebrating 10th year anniversary this whole month of October, inihayag ng Business Unit Head ng Its Showtime na si Sir Peter Edward Dizon na hindi lang ngayong Oktubre ang pagbibigay-handog-saya ng programa.
“This celebration is not only just for the month of October but we’re extending until next ( year, 2020) October pa, so tuloy-tuloy at hindi lang po ngayon namin hihikayatin ang madlang pipol na mag-sampu-sample kundi sa buong taon hanggang sa ka-11th year naming,” ani sir Peter sa mediacon.
Sey ni sir Peter, masaya ang buong production dahil napagtagumpayan nila ang “unos” (ang tinutukoy niya ay ang pagsikat ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza noong 2014 at 2015) at muling nakabalik ang Kapamilya noontime sa pinakapinapanood na programa sa tanghali.
“Isang malaking blessing din po ang makaabot kami ng tenth year, ‘yung halos ‘di na kami natutulog araw-araw. Madami naman kaming nababagong buhay, natutulungang mga talento and we’re very proud dahil yun ang purpose namin, yung madami kaming nabibigyan ng opportunities, madaming nadi-discover at madami pang nakikitang chance na makatulong para sa madlang pipol,” mensahe ng mabait na BUM, na instrumento sa tagumpay ng TNT Boys, nina Janine Berdin at Elaine Duran sa katatapos lamang na ‘Tawag ng Tanghalan’ grand finals ay pawang produkto ng kanyang malawak na kaalaman sa pagtuklas ng talino.
Sang-ayon din si Amy Perez sa tagumpay ng show at sa paghahatid-saya sa madlang pipol.
“Thankful and super-blessed dahil nakasama ako sa 10th year anniversary ng It’s Showtime as you all know, ika-4th year ko pa lang ‘to actually sa Showtime family pero ang feeling ko, ang tagal-tagal ko na silang kasama,” sey ng beteranang host na mas kilala bilang si T’yang Amy.
Napapanood din si T’yang Amy sa Umagang Kay Ganda, at sa DZMM Teleradyo sa umaga at lilipat naman sa It’s Showtime sa tanghali. Wala naman daw siyang reklamo dahil may panahon pa rin siya sa kanyang pamilya.
“Meron pa pong pahinga, kasi after Showtime, I go home. Nagdi-dinner po kami ng mga bata at 5pm, and then well all go to sleep at 7pm, religiously yun ang routine namin ng mga bata every single day,” lahad ni T’yang Amy,
After 7pm, patay na ang kanyang cellphone at alam ‘yun ng kanyang mga katrabaho.
“Si Teddy, nagti-text ‘yan ng after 7pm, kinabukasan ko na lang nababasa. Kasi, yun talaga, maaga akong matulog. Alam ‘yan sa bahay at sa lahat ng mga kasama ko sa It’s Showtime.
“Thankful [ako] dahil never kong pinangarap na maging host ng Showtime dahil dati hurado lang ako pero ngayon kasama na ako sa isa sa matatagal na noontime show ng ABS-CBN, kaya’t sobrang thankful,” aniya pa.
Para naman kina Jugs and Teddy, napagkasunduan nila ng kanyang buddy-buddy na suwerte na nila kung aabot pa sila ng 4 years sa show. Kung anuman daw ang mangyari, tatanggapin nila ng walang samaan ng loob.
“Parang nag-uusap kami ni kuya Kim (Atienza) dati, maka-four years lang tayo, okay na. So, yun nagtuloy-tuloy kaya ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang bilis ng ten years parang ‘pag nakikita ko yung ‘Bidaman’ at saka mga Hashtags, lumalaki na ang pamilya at na-realize namin, ten years na pala kami rito.”
For Vice Ganda na nanatili sa show ng halos isang dekada, “Wala naman akong choice na makasama sila. Charot!” biro ng Unkabogable Star sa mga kasama.
“Sobrang saya, lahat yata ng levels ng kasayahan nararamdaman ko ngayon at yun din nararamdaman ko everyday sa tuwing pumapasok ako. Masaya ako ‘pag nasa Showtime. Masaya akong kasama silang lahat,” ani Vice.
Sobrang close ang hosts na walang rivalry o inggitang nararamdaman among Showtime family?
“ I think what help is that we’re different personality and that makes us very unique, walang pagkakapareho at all so I don’t believe there was any rivalry .Natural lang na nagkakatampuhan kami minsan sa isa’t isa kasi para lang kaming magkakapatid, pamilya talaga. Pero yung inggitan, I don’t think so. We’re all different but we compliment each other so well,” paliwanag ni Vice.
“ Siguro po no’ng simula, may nakakaramdam nang ganu’n (insecurities) e, yung closeness namin that time, hindi pa naman ganu’n ka-tight, hindi pa namin kilala ang isa’t isa pero no’ng tumagal na, wala na. Wala nang mga ganyan, nilo-look forward namin everyday na magkikitakita kami at masayang-masaya kaming nagkikita, ini-enjoy namin ang isa’t isa.
“Minsan may mga stress tapos mataas ang pressure, napapagod kaming lahat, pero ‘pag magkakasama kaming lahat, masayang masaya po kami,” sabi pa ni Vice.
Nilinaw rin ni Vice na kahit pamilya ang turingan nila ng mga kasamahan, iba rin daw ang nakasanayan nitong bonding sa ibang friends after Showtime.
“Pagkatapos ng Showtime, siyempre, may mga iba din naman akong kaibigan, kasi hindi ko naman pupuwedeng i-exclusive ko ang friendship ko sa mga ito, hindi naman sa lahat ng pagkakataon maasahan ko rin sila,” pabiro niyang sabi.
“Saka, ang bisi nilang lahat at saka masarap din yung lumalabas din yu’ng relasyon mo do’n sa pinangtatrabahuan mo, iba at mas masarap na maraming kaibigan,” dagdag pang sagot ni Vice.
-ADOR V. SALUTA