NAKAPAGTANIM na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) field office sa Tacloban City ng 51,779 puno sa watershed ng Southern Leyte ngayong taon at pinalitan ang nasa 1,492 puno na nabuwal o binunot dahil sa road widening project noong 2017.

Pinalitan ng malawakang tree planting ng iba’t ibang mga uri ng puno ang 429 na punong tinanggal noong nagkaroon ng road works sa Maasin City, 418 sa Libagon, 317 sa Macrohon, 133 sa Sogod, 112 sa Bontoc, 64 sa Tomas Oppus, at 19 sa Malitbog town.

“As agreed with the Department of Environment and Natural Resources, the DPWH is bound to replace 50 trees for each felled tree grown in private or forest land and 100 trees for each naturally grown tree affected by road works,” pahayag ni Southern Leyte District Engineer Ma. Margarita Junia sa isang panayam nitong Huwebes.

Naglaan ang DPWH ng P3.2 milyon para sa pagpapalit ng mga puno na naputol dahil sa mga road projects dalawang taon na ang nakalilipas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nauna nang kinilala ng DENR ang 9.69 ektarya para sa pagtatanim ng mga ipapalit na puno sa nakaraang taong mga proyekto. Kasalukuyang nagaganap ang pagtatanim ng 16,153 binhi na may alokasyon na P 732,000.

Binigyang kapangyarihan ng DENR ang farmers’ association sa mga natamnan na bayan na linangin ang mga bagong tanim na mga binhi, at siguraduhin ang 85 posiyentong survival rate ng mga ito. Isang grupo mula sa DPWH ang binuo upang i-monitor ang mga tinanim na puno.

“Every time we implement projects, we always consider environmental impacts. We cannot immediately proceed with the construction without properly addressing them,” ayon kay Junia.

Nangako naman ang opisyal na ipagpapatuloy ang aktibong pagsali ng DPWH sa iba’t ibang mga aktibidad ng DENR, tulad ng tree planting at cleanup drives.

PNA