COTABATO CITY – Nahaharap ngayon sa kason kriminal ang isang opisyal ng pulisya matapos mahulihan ng isang nakaw na sports utility vehicle (SUV) sa Marawi City, kamakailan.

Tiniyak ni Regional Highway Patrol Unit-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (RHPU-BARMM) chief, Col. Hesran Mojica, na kakasuhan nila si Marawi City Police deputy chief, Captain Santos Monares.

Ayon kay Mojica, nabawi kay Monares ang isang puting Ford Everest na nasa nakaalarma sa pulisya.

Idinahilan ni Monares, nabili nito ang sasakyan sa isa ring opistyal ng pulisya na nakatala sa Police Regional Office 10 na naka-base sa Cagayan de Oro, kamakailan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Gayunman, natuklan ni Mojica na ang sasakyan ay ninakaw sa may-ari nito na taga-Sta. Mesa sa Maynila.

“It was reported as stolen,” sabi ni Mojica na ang tinutukoy ay ang nasabing SUV.

-Ali G. Macabalang