MULA ng magsimula, nagamay na ng administrasyong Duterte, sadya man o hindi, ang pagpapahamak sa sarili, sa paglikha nito ng sariling sugat sa pagsusulong ng reporma sa polisiya na sumisira ng status quo sa proseso.
Una sa mga hakbang na ito ang naging pagdedeklara ng Pangulo ng reporma sa ugnayang panlabas o foreign policy, nang ihayag nitong handa ang bansa na pumanig sa China at Russia dahil sa hindi patas na trato ng US sa Pilipinas, isang matagal nang kaalyado, at hindi pagbibigay ng nararapat dito sa usapin ng suporta at tulong.
Sa lahat ng inaasahang magandang maidudulot ng bagong polisiya, tanging nakuha ng Pilipinas ay ang pagkadehado sa mga kasunduan kasama ang China, na ininsulto pa ang ating pagkapanalo sa UN arbitral tribunal.
Sa pagpanig ng bansa sa Beijing, nagtayo ang makapangyarihang bansa ng mga isla sa loob ng ating economic zone at nagpadala ng mga militar na nagkukunwaring mga barkong pangisda sa loob ng teritoryo ng Pilipinas para lamang apihin ang mga Pilipinong mangingisda, guluhin ang Coast Guard, at harangin ang mga barkong nagdadala ng military supply. Kahit pa lumagapak na ang tiwala ng mga Pilipino sa China, tila matatag ang paghilig ng Pangulo sa China.
Ngunit ang pinakamalalim nitong sugat na nilikha para sa sarili, ay ang ipagkaila na walang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa bansa. Sa hakbang na ito, pinabulaan nito ang mga ulat mula sa iba’t ibang mapagkakatiwalaan batayan sa paggamit ng mga dokumento ng pamahalaan at mga pampubliko pahayag.
Dagdag na pinsala pa sa mga sugat na ito, ang pagdedeklara ng pagtanggi sa ayuda, tulong, at pautang ng mga bansa na sumusuporta sa isang resolusyong inihain ng Iceland sa UN, na kumokondena sa umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa. Dulot ng kakatwang tugon na ito, inilantad lamang ng pamahalaan ang kawalan nito ng kakayahan na tugunan ang negatibong pagtingin ng mundo, tumpak man o hindi, na magmamarka sa implikasyon ng ating bagong polisiya sa ugnayang panlabas.
Normal lamang na pabulaanan natin ang kritisismo ng ibang mga bansa laban sa atin. Gayunman, isang pagtulak ng sarili sa bangin, kung magagalit ang bansa sa ipinapalagay nitong panghihimasok ng dayuhan sa panloob na kalakaran, pagtanggi sa magandang alok na walang ibang intension kundi para lamang sa kapakanan ng mga Pilipino.
Tama ang ginawa ng Pangulo nang ibaba nito ang diplomatikong ugnayan ng bansa sa Canada dulot ng kawalang-aksiyon nito na iuwi ang mga basura na dinala sa bansa. Sa kabila ng insulto na tinamo sa kaso, at kahit pa humantong ito sa pagkakansela ng bibilhin sanang mga Canadian chopper, hindi ipinagbawal ng administrasyon ang tulong ng Canada, ang ayuda at grant, at walang nabanggit na anumang patungkol dito.
Sa pandaigdigang diplomasiya, nanatiling pinakamainam na polisiya ang pag-uugnay ng mga tao at bansa. Kapag idinikit ng isang pangulo ang kayabangan sa pagpapahalaga, nawawala ang mahalagang kinang ng bansa.
-Johnny Dayang