KILALA ang Bacolod sa bansag na “City of Smiles”, na lumabas matapos ang matagumpay na unang MassKara Festival noong 1980.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, lalo na sa mga batang henerasyon, ang makulay na pista ay nabuo bilang isang dibersyon para sa serye ng mga trahedya na naranasan ng mga Negrense, 2 dekada na ang nakakalipas.

Tahanan ng pinakamalaking pagawaan ng asukal sa bansa, umunlad ang Bacolod bilang pangunahing exporter ng asukal sa ibang mga bansa tulad ng Estados Unidos. Malaking salik ito sa pagyaman ng bansa They were huge contributors to the country’s wealth at nagluklok sa bayan nila sa tuktok ng hirarkiya.

Gayunpaman, biglang natigil ang kanilang magandang kapalaran noong 1980’s ng tumigil sa pag-angkat ng asukal ang mga banyaga nilang kustomer dahil sa paglabas ng mas murang kapalit tulad ng corn syrup (fructose). Bumagsak ang industriya, at maging ang mga taong nakasalalay dito, na ang tanging pinagkukunan ng pagkakakitaan ay ang pagtatanim at paggawa ng mga tubo.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

At tila ba hindi pa sapat ang naganap na krisis, may panibagong trahedya ang kasabay na naganap.

April 22, 1980, ang MV Don Juan, isang luxury liner na pauwi na dapat sa kanyang bayang Bacolod City mula sa Maynila, ay bumangga sa isang oil tanker, ang MT Tacloban, na malapit lang sa Tablas Strait sa Mindoro, na nag-iwan ng 176 nasawi at ilan pang nawawala.

Ito ay ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng mga Negrense.

Dahil dito, naisip ng mga taga-negros ang Masskara Festival at ipakilala ang Bacolod bilang City of Smiles, hindi para sa pagtatanggi ngunit para sa pagsawata sa kasawiangpalad.

Sa isang panayam sa Business World, inihayag ni Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry president Frank Carbon, na ang ugaling ito ng mga Negrense ay sumasalamin sa mas malawak na pagiging positibo ng mga Pilipino ngunit mayroong natatanging diwang Negrense.

“The annual festival, attended by foreign and local tourists, has helped Negros sustain its tourism and, in turn, it’s economy,” pahayag nito.

Ipinakilala din ang tourism boom sa Negros sa pamamagitan ng Ruins sa Talisay, isang lumang bahay na siglo na ang tanda, at Chicken Inasal. Itinuro rin ni Carbon na ang leisure farms ng Bacolod, kung saan maaaring magtanim ng mga gulay at gumawa ng sarili nilang salad ang mga turista, ay ang mga paboritong lugar ng mga biyahero na nais ng kakaibang karanasan.

Sa ngayon, ang Bacolod ay naging isa ng multi-sectoral city sa totoong kahulugan ng salita.

Ikalawa na lamang ang industriya ng asukal sa kanilang ekonomiya, matapos ang sektor ng serbisyong panlipunan, kasama na ang turismo, telecommunications, banking, hotel, retail, at business process outsourcing (BPOs).

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng lungsod ang ika-40 taon ng MassKara Festival, na tinaguriang Ruby Edition.

May temang “Bacolod, City of Smiles”, ang pista na magaganap mulaOktubre 7 hanggang 27.

-PNA