FLOWER POWER para sa Miss Earth 2019!
Simula na ang inaabangang beauty at environmental event ng taon nitong Huwebes ng tanghali na may bouquet ng mga fresh faces at ang walang sawa nitong tindig na pagprotekta at pagpreserba sa kalikasan.
Nasa 90 nagagandahang kandidata mula sa buong mundo ang lumapag na sa Maynila upang makibahagi sa pinakamabangis na kumpetisyon sa kasaysayan ng Miss Earth.
Armado ng kagustuhan at presensya, hindi pa nababangit ang kanilang mala-anghel na kagandahan, ang batch ngayong taon ay makukunsidera bilang pinaka-competitive.
“Their striking physical attributes already make them a standout. And once you hear them speak their minds, they become even more attractive,” pahayag ni Carousel Executive Vice President Lorraine Shuck.
“They’re like flowers that are about to bloom,” dagdag pa ni Schuck, na may pagbanggit sa floral-themed edition ng Miss Earth.
Para sa ika-19 taon ng Miss Earth, ipagdiriwang nito ang mga bulaklak ng mundo. Kilala ito na simbolo ng kagandahan, sumisimbolo din ang bulaklak ng kadalisayan at kaligayahan.
Habang ipinapakita ng mga kandidata ang kanilang pambansang bulaklak, dala din nila ang positibong aura at mensahe na ang kalikasan ay maaari pang mamulaklak kung ang mga tao ay makikiisa sa pagprotekta dito.
Mas mahalaga pa, isinusulong ng Miss Earth 2019 ang #MEandmytreecampaign bilang parte ng nakaka-alarmang mga natural na kalamidad, lalo na ang pagkasunog sa Amazon, Borneo at sa kagubatan ng Africa na kilala bilang baga ng mundo.
Sa pamamagitan ng kampanya, hinikiyat ng Miss Earth at ng mga kalahok dito ang lahat ng tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo na magtanim ng puno upang matulungang mabawasan ang epekto ng mga nakakalungkot na pangyayari.
Lilibot ang mga kandidata sa loob ng 4 na linggo ng mga aktibidad sa iba’t ibang mga parte ng bansa habang ibinabahagi ang layunin ng paligsahan.
Nakalinya na din ang pre-pageant competitions, maging ang three rounds ng preliminary judging na aalam sa kung sinong kandidata ang may tsansang maging bagong environmental ambassador, pahayag ni Carousel Vice President for Logistics Peachy Veneracion.
“It’s going to be a hectic yet worthwhile month for the delegates. Competition aside, the whole process is a learning experience for these ladies. We hope that this year would be another memorable edition of Miss Earth,” ayon kay Carousel President Ramon Monzon.
Matatapos ang Miss Earth 2019 sa Sabado, Oktubre 26, na ipapalabas ng live sa FoxLife, na may delayed local airing sa Linggo, Oktubre 27 sa ABS-CBN Sunday’s Best.
-Robert Requintina