Kulong ang naging parusa ng Sandiganbayan sa isang dating huwes at clerk of court ng Antique kaugnay ng pagkakasangkot sa kasong malversation, noong 2004.

Sa ruling ng 5th Division ng anti-graft court, napatunayang nagkasala sina dating Antique municipal trial court (MTC) Judge Ma. Monina Misajon at clerk of court Jingkey Nolasco sa dalawang kasong malversation.

Nilinaw ng hukuman, aabot lamang ng hanggang anim na taon ang inihatol sa dalawa sa una nilang kaso at pinagmumulta rin ang mga ito ng P27,800.

Anim na taon din parusa ni Misajon sa ikalawa niyang kaso ngunit pinagmumulta ito ng P60,000.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Pinatawan naman ng 10 taong pagkakakulong si Nolasco sa ikalawa niyang kaso, bukod pa sa multang P60,000.

Pinagbawalan na rin sila ng hukuman na magtrabaho sa pamahalaan, kahit anong puwesto.

Kinasuhan ang dalawang ng paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code dahil sa pagsabwatan sa paglustay ng P27,800, na kumakatawan sa sobrang nai-withdraw mula sa Fiduciary Fund noong Hunyo 11, 2004. Naulit na naman ito at nag-withdraw sila ng P60,000, noong Hulyo 2, 2004.

-Czarina Nicole Ong Ki