Nagsagawa ang House Committee on Agriculture and Food ng imbestigasyon nitong Miyerkules kaugnay ng paglaganap ng African Swine Flu (ASF) virus sa ilang bahagi ng bansa.

Tinalakay sa pagdinig ng komite sa pamumuno ni Rep. Wilfredo Enverga (1st District, Quezon) ang nararapat na kompensasyon o bayad na ipagkakaloob sa mga magbababoy (backyard hog raisers) na labis na naapektuhan ng nasabing sakit.

May panukalang bayaran ng tig-P3,000 ang bawat baboy na papatayin upang hindi na makahawa pa sa ibang baboy na inaalagaan sa likod-bahay.

Inalmahan ito ng mga magbababoy dahil masyadong maliit ang P3,000 sapagkat ang isang inahing baboy umano ay nagkakahalaga na ng P15,000.

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Gayunman, inihayag nila na wala silang magagawa kung ito ang desisyon ng gobyerno.

Naiulat na karamihan sa mga baboy na dinapuan ng virus ay mula sa Bulacan at Rizal, pero maging ang ibang lalawigan ay apektado na rin.

Sa pagdinig, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan, sa mga kongresista na sa pag-activate sa National Task Force on ASF, maglalaan ang ahensya ng P1 bilyon para sa kabayaran ng apektadong mga backyard hog raiser.

-Bert de Guzman