Posibleng masibak sa serbisyo ang 50 tauhan ng Iloilo Provincial Police Office (IPPO) kapag napatunayang walang sa kanilang puwesto nang magsagawa ng inspeksyon ang kanilang hepe sa kanilang presinto, kamakailan.

Sinampahan na ng reklamong abandonment df duty ang nasabing mga pulis na hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Ito ay nag-ugat sa surprise inspection ni IPPO Director Colonel Roland Vilela, sa kanilang opisina kung saan natuklasan nito na wala sa kanilang duty ang naturang mga pulis sa kabila ng ipinairal na red alert status sa lugar bunsod ngmalawakang transport strike.

Idinahilan ng mga nasabing pulis na nag-sick leave sila nang panahong bumisita ang opisyal sa kanilang presinto.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

-Fer Taboy