MIES (Switzerland) – Ipinahayag ng FIBA at International Olympic Committee (IOC) ang gagamiting pamamaraan para mapili ang tig-walong koponan sa men’s team at women’s teams na sasabak sa 3x3’s debut sa 2020 Tokyo Olympics sa Hulyo 25-29.
Itinakda ang tatlong pamamaraan sa mag sumusunod:
FIBA 3x3 Federation Ranking (apat na spot kada dibisyon); Olympic Qualifying Tournament (tiig-tatlong spot kada dibisyon) at Universality Olympic Qualifying Tournament (tig-isa bawat dibisyon).
Matapos ang pagpupulong ng FIBA at IOC, napagkasunduan na bigyan ng awtomatikong slot sa Tokyo 2020 Olympics ang Japanese national team (men or women) – may pinakamataas na FIBA 3x3 Federation Ranking. Ang isang dibisyon na mapipili ng host ay may awtomatiko namang slots sa Olympic Qualifying Tournament at kung mabigo ay bibigyan din ng awtomatikong slot sa Universality Olympic Qualifying Tournament.
Nakatakdang ihayag ng FIBA sa Nobyembre 1 ang unang walong koponan (tig-apat sa bawat dibisyon) na kwalipikado sa Tokyo 2020 Olympics sa livestream ceremony sa FIBA 3x3 World Tour Final sa Utsunomiya.
Ang mga koponan ay ang apat na may pinakamataas na FIBA Rankings.
Ang unang Olympic Qualifying Tournament ay gaganapin sa March 2020 tampok ang 40 koponan (20 per gender) na nagkwalipika sa FIBA 3x3 Federation Ranking at FIBA 3x3 World Cup 2019 (medalists).