KALIBO, Aklan – Mahigpit na binabantayan ngayon ang dalawang menor de edad dahil sa posibleng pagkahawa ng mga ito ng polio virus sa Aklan.
Sa panayam, sinabi ni Doctor Cornelio Cuachon, provincial health officer 1 ng Provincial Health Office, ang isa sa batang lalaki ay 3-anyos at taga-Makato habang ang ikalawa ay isa ring lalaki na may edad dalawang taon at taga-Malinao, Aklan.Kapwa isinugod ang dalawa sa Aklan Provincial Hospital upang matapos silang makitaan ng sintomas ng nasabing sakit.
Aniya, nagsasagawa na ng laboratory test ang Regional Institute for Tropical Medicine upang makumpirma kung nahawa ng virus ang dalawa.
Idihilan ng Cuachon, parehong may anti-polio vaccine ang nasabing mga bata.
Nakakaramdam umano ang dalawang bata ng panghihina at pansamantalang pagkaparalisa.
-Jun N. Aguirre