Ang sagot ni Robin Padilla na “nasan ka p****g ama” sa basher na nag-comment ng “this woman @marieltpadilla she does not live in the USA she only goes in the US to give birth! Therefore she’s a birther! Not allowed.”

Mariel at Robin

Sinundan pa ng comment na “Filipino celebrities are so pretentious and hypocritical. Didn’t her husband @robinpadilla pride himself to be nationalistic? Then why the hell abadon Philippines to give birth? Who to say it’s being American would be better. I SHOULD POSED THIS QUESTION “WHAT IS WRONG IN THE PHILIPPINES?” After giving birth go back to the Philippines and display their babies, privilege, born in the USA huh!”

Kaya nasagot siya ni Robin ng gan’un at may kasunod na paliwanag at mahabang comment.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Ang pagiging Filipino American ay hindi pagtataksil sa inang bayan lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing native American mas Americano pa kami sa inyong pa inglis inglis at nakatira dyan sa estados unidos at mas Pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si gabriela silang ng abra at sa lolo ko na kapitan Pablo nueva ecija ay lumalangoy na kami sa pag ibig sa bayan na ito. Ang babata pa ng mga opinyon niyo at puro na puna at paghusga. Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa amerika at karapatan ko at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas! Wala kayong mga magawang tama subukan niyo magligpit ng kama ninyo

at ipaghanda niyo ng almusal mga magulang niyo. If you cant say or do something positive to others at least do something good for yourself.”

Nasa Amerika kasi si Mariel at doon isisilang ang second baby girl nila ni Robin. Kasama ni Mariel sa Delaware ang panganay nila ni Robin na si Isabella na miss na miss na ni Robin.

-NITZ MIRALLES