SUMANDIG ang University of the Philippines sa karanasan ni Airish Macalino para maigupo ang Adamson University, 3-2, nitong Linggo at makausad sa Final Four ng UAAP Season 82 Women’s Badminton sa PNP Sports Center Badminton Courts.

MACALINO: Bayani ng UP Shuttlers

MACALINO: Bayani ng UP Shuttlers

Naglalaro sa kanyang huling taon sa liga, ginapi ni Macalino si rookie Janine San Ignacio sa straight sets, 21-9, 21-7,sa deciding singles match.

“Siguro andun lang yung trust namin sa isa’t isa. Siyempre, UP kami, hindi naman kami basta-basta magpapatalo,” pahayag ni Macalino.

National

Crispin Remulla, natanong kung handa sa bagong posisyon sa Marcos admin

Nanatiling walang talo si Arden Concepcion sa singles play nang pabagsakin si Lizette Dela Cueva, 21-8, 21-13, para maitabla ng Adamson ang serye. Muling umusad ang UP sa panalo nina co-captains Tricia Opon at Jaja Andres kontra Jhay Anne Macabenta at Dela Cueva, 21-11, 16-21, 21-7.

Ngunit, nakahirit ang Adamson ng decider sa panalo ni Clydel Pada kontra Andres sa singles match, 21-18, 19-21, 21-14, gayundina ng tambalan niya kay Monica Magallanes kontra Pauline Santos at Rasmine Carlos, 21-13, 13-21,

21-17, sa second doubles contest.

Nakompleto naman ng defending champion Ateneo ang elimination sweep nang pabagsakin ang University of Santo Tomas, 4-1.

Nakamit naman ng De La Salle University ang No.2 spot at twice-to-beat advantage nang gapiin ang National University, 3-1.

Haharapin ng Ateneo ang NU sa crossover semis, habang magtutuos ang La Salle at UP.