TUTUNGO si Philippines' chess wizard Bonjoure Fille Suyamin sa Pattaya, Thailand na nais na mapaganda ang kanyang chess ranking bukod sa muling pagdala ng karangalan sa bayan.

Kasama niya si PH coach Ederwin Estavillo at ang kanyang nanay na si Elizabeth Suyamin, kilala sa palayaw na Bonj sa chess world ay masisilayan sa Pattaya Chess Club Open 2019 na iinog sa Oktubre 19 hanggang 24 sa Pattaya, Thailand.

PINARANGALAN si Suyamin sa kanyang kahusayan.

PINARANGALAN si Suyamin sa kanyang kahusayan.

" love you anak proud of you always kami ni papa sayo,' sabi ni Elizabeth Suyamin, nanay ni Bonj.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang nine-years-old na si Bonj na grade 4 pupil ng Del Rosario Christian Institute  sa General Trias City  na nasa gabay ni Del Rosario Christian Institute Foundation Inc. Chairman/ President Arnel Beltran Del Rosario ay nakopo ang coveted gold medal sa Thailand Chess Festival 2019 na ginanap sa Le Bali Resort and Spa sa Pattaya, Thailand nitong Hulyo na suportado nina General Trias City Mayor Antonio Alandy "Ony" Ferrer, General Trias City representative Luis Alandy "Jon-Jon" IV at Youth Development Officer III Lhen Muralla Kempiz ng Sports office.

Naisubi niya din ang tatlong (3) silver medal sa 20th ASEAN Age Group Chess Championship sa Myanmar nitong Hunyo.

Si Bonj ay sariwa pa sa pagkopo ng gold medal sa 2019 General Trias City chess meet nitong Setyembre September 24 para makaabante sa provincial meet.