TARLAC CITY - Tiniyak kahapon sa publiko ng Department of Health (DOH) na walang polio virus sa Central Luzon.
Binanggit ni DOH Regional Director Cesar Cassion, wala pang kumpirmadong kaso sa polio hanggang sa oras na ito.
Sa pahayag naman ni DoH Regional Epidemiology and Surveillance Unit chief Jessie Fantone, wala pa silang naiatalang kaso ng poliovirus batay na rin sa water specimens na nakuha mula sa lunsod ng Angeles at San Fernando, Pampanga.
Nagsasagawa pa rin aniya sila ng monitoring sa posibleng pagkakaroon ng nasabing sakit sa lalawigan.
Inirekomenda na ng DoH sa mga magulang, guardian at caregiver na mabakunahan ang mga bata ng Oral Polio Vaccine (OPV) mula sa edad 6, 10, at 14.
Ang mga bata na mababa sa limang taon na hindi pa nakumpleto ang nasabing bakuna ay dapat dalhin sa pinakamalapit na health centers.
-Leandro Alborote