CAMP DANGWA, Benguet – Tinatayang aabot ng P20 milyong halaga ng marijuana ang sinunog sa mismong plantasyon sa Benguet at Kalinga, ayon sa Police Regional Office (PRO)-Cordillera.

Ayon kay PRO-Cordillera director Brig. Gen. Israel Dickson, isinagawa ang isang linggong marijuana eradication sa dalawang lalawigan kaugnay ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO).

Sa Kibungan, Benguet , kabuuang 400 marijuana plants at seedling ang pinagbubunot at sinunog sa Sitio Bacbacan, Brarangay Poblacion at Sitio Balbalnag, Bgy. Badeo at sinundan ng 495 marijuana plants sa Kayapa, Bakun, Benguet, noong Setyembre 27, na may kabuuang halaga na P571,000.00.

Sa Kalinga, may kabuuang 160,000 fully grown marijuana plants ang nabunot ng magkakasanib na puwersa ng Kalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency sa Bgy. Babanoy, Tanudan at Bgy. Bugnay at Tulgao West sa Tinglayan, na may kabuuang halagang P19,900,000.00.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Rizaldy Comanda