IDINEKLARA ang Oktubre bilang Holy Rosary Month ng Simbahang Katoliko at muling nanawagan sa mga nanampalataya na manalangin sa rosaryo araw-araw upang manumbalik ang tunay at pangmatagalang kapayapaan sa mundo.

Binanggit pa ni Rev. Fr. Kit Ramirez ng St. Jude Parish sa Malacañang, Manila, si St. Padre Pio ng Petrielcina, na nagsabing “Rosary is the weapon of our time” upang kalabanin ang mga masasamang elemento at nagdagdag pa na “it is the form of prayer of the faithful to allow God to work on us.”

Inihayag din nito na ang Blessed Mother sa aparisyon sa Fatima, Portugal sa tatlong pastol, sina Lucia, Jacinta at Francisco – ay nagsabing magdasal sa rosaryo.

Sa isang panayam sa Philippine News Agency (PNA) nitong Lunes, inilahad din ni Fr. Kit na ang mga “faithful to allow God’s power to enter in our life so that love will prevail in our hearts.”

“We have to move and ask God to save us in these troubled times,” dagdag pa nito.

“Since we have free will, man is free to choose between good and evil so that it is very important for us to pray, especially the Rosary to ask God’s help to find the way of righteousness,” ani Fr. Kit.

Inilahad niya ang pag-asa na “Filipino Catholics in their individual home will pray the Holy Rosary every day for the world to attain peace, and we will be delivered from dangers.”

Maiuugnay ang Rosaryo sa buong buhay ni Hesukristo sa mundo, kanyang pagkapanganak, pagtuturo, simbuyo ng damdamin, pagkamatay, muling pagkabuhay, at kaluwalhatian.

Ibinahagi ni Fr. Kit na ang Rosaryo ay mayroong apat na Misteryo, Tuwa, Luwalhati, Liwanag, at Hapis.

PNA