Minaliit lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ban ng komite ng Senado sa Estados Unidos laban sa mga opisyal ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.

Sa kanyang pre-departure speech bago pumunta sa Russia, nitong Martes ng gabi, sinabi ng punojg ehekutibo na hilaw pa ang travel ban na isinulong ng dalawang miyembro ng US Senate laban sa umanoy maling pagpapakulong sa senadora.

Puna ni Duterte, panukala pa lamang ang nais ng dalawang senador sa Amerika at hindi pa inaaksyunan ng buong Kongreso ng US.

“Hilaw pa ‘yan. When it becomes ripe and then I will say my piece. These are just voices of the members of the committee and if that committee will report the resolution to the plenary and the plenary adopted or joined them, then that would be an act of Congress,” sabi nito.

Internasyonal

Ipadedeport! Pinoy detainee, pinakawalan ng ICE matapos umano'y mapabayaan sa kulungan; maputulan ng bahagi ng paa

Sa tanong naman kung bukas ito na i-ban o ipagbawal din ang pagpasok sa Pilipinas ng mga US senators na nagsulong ng travel ban, sinabi ng pangulo na wala pa namang nangyayari.

Gayunman, kapag i-adopt aniya ng US Senate ang panukala at maging aksyon na ito ng buong Kongreso ng Amerika, saka umano kakausapin ng Pangulo si US President Donald Trump.

-Beth Camia