Ni Edwin Rollon

TIWALA si multi-titled coach Ato Tolentino na maibabalik niya ang sigla sa basketball ng Wang’s Ballclub sa darating na PBA D-League at iba pang mga liga.

IPINALIWANAG ni coach Ato Tolentino (ikalawa mula sa kanan) ang bagong hamon na susuungin sa koponan ng Wang’s Ballclub sa PBA D-League.

IPINALIWANAG ni coach Ato Tolentino (ikalawa mula sa kanan) ang bagong hamon na susuungin sa koponan ng Wang’s Ballclub sa PBA D-League.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Tolentino, na mas kilala bilang “Mr. Hotshot” noong naglalaro pa siya sa PBA, na magbabalik siya bilang head coach ng Wang’s Ballclub.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Pinalitan ni Tolentino ang nasibak na coach na si Pablo Lucas, na na-banned for life sa National Basketball League (NBL).

“Naniniwala naman ako sa kakayahan ng team, sa pamumuno ni  team owner-manager Alex Wang. Kung su-swertehin, baka mag-champion din tayo sa PBA D-League,” pahayag ni Tolentino sa kanyang pagdalo sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon.

“We’ll just form a new but competitive Wang’s Ballclub. We’ll practice hard every day and play hard always. Sabi nga, bilog ang bola kaya lahat pwede mangyari sa basketball,” dugtong pa ni Tolentino, na  lalo pang sumikat matapos pangunahan ang Philippine Christian University sa kampeonato ng NCAA laban sa University of Perpetual Help noong 2004.

“Kung dati, hindi naging maganda ang kampanya ng Wang’s Ballclub sa PBA D-League, siguro ngayon makababawi na kami ng husto,” sa kanyang pagdalo sa linguhang sports forum na itinataguyog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associaiton at HG Guyabano Tea Leaf Drinks kasama si PCU assistant coach Darryl Fontanilla.

Tiniyak ni Tolentino na mas palalakasin niya ang Wang’s Ballclub sa tulong ng mga piling players mula sa PCU.

“Madami kaming magagaling na players sa PCU. Batak na ang mga ito sa laban kaya siguradong malaki ang maitutulong sa Wang’s Ballclub,” pagtitiyak pa ni Tolentino,

Sa kasalukuyan, maituturing si Tolentino na isa sa mga matagumpay na coach sa collegiate leagues sa bansa.

Bukod sa limang titulo sa NAASCU  para sa University of Manila Hawks mula 2001 hanggang 2005, si Tolentino din ang bukod tanging coach na nagbigay ng titulo sa PCU sa NCAA noong 2004.

Dahil din dito, si Tolentino ang tanging coach  sa kasaysayan na nanalo ng dalawang titulo sa dalawang magka-ibang liga sa loob lamang ng isang taon – 2004.

Nabigyan din ni Tolentino ang UM ng tatlong national inter-collegiate championships at isang Asian University Championship.

Ilan sa mga sikat na players na naglaro sa pangangasiwa ni Tolentino sina Paul “Bong” Alvarez, Zandro Limpot,  Nelson  Asaytono,  Eugene Quilban, Joseph Pelaez, Biboy Simon,  Banjo Calpito, Chris Bolado, Joel  Dualan,  Leo Avenido, Reynel Hugnatan, Jovy Sese at Jason Castro.