Nagkaroon ng malawak na espekulasyon ng kaugnay ng inihaing election protest ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na binubuo ng miyembro ng Korte Suprema.
May lumabas na ulat na inihahanda na ni Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang draft resolution na nagbabasura sa protesta ni Marcos at pinagbabatayan ang recount ng mga botong sa tatlong pilot province ng Iloilo, Negros Occidental, at Camarines Sur, na pinili ni Marcos.
Sa nasabing recount, nagkaroon ng pagtatalo kaugnay ng shading of ovals na kanugnog ng pangalan ng mga kandidato.
Nais ng PET na bilangin ang boto kung saan namarkahan ng mga botante ang nasa 50 porsiyento ng oval. Gayunman, ipinauubaya na ito sa posisyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2016 elections kung saan pinayagan ang 25 percent marking of the ovals, upang maipagpatuloy ang vote-counting machines.
Pinagtibay ng nasabing recount ang pagkapanalo ni Robredo. Inihanda na ni Justice Caguioa ang draft resolution na nagbabasura sa petisyon ni Marcos, ”without further proceedings for lack of merit.” Gayunman, nanawagan ang ilang mahistrado na ipagpatuloy ang kaso para sa determination of fraud. Dahil dito, magpupulong ang PET sa Oktubre 8 upang desisyunan ang usapin. Marami ang nagsasabi na habang ipinagpapatuloy ang kaso ay nalalagay lamang sa usapin ang kahalagahan ng ating
automated election system.
Karamihan sa mga kandidato sa nakaraang eleksyon ay tumutuligsa sa automated election results dahil anila ay minanipula ito.
Kasama rin sa Marcos-Robredo dispute ang Smartmatic na siyang technology provider ng Comelec dahil ang mga bilang na nabibilang nito ay isinailalim din sa pagbibilang ng PET.
Nagbibigay din ang Smartmatic ng election technology ang Smartmatic sa mga bansa sa Europe at America ngunit ang kanilang serbisyo sa nasabing mga bansa ay hindi kinukuwestiyon hindi katulad ng Pilipinas. Mula nang simulan ang automated elections sa Pilipinas noong 2010, hindi pa nangyayaring baligtarin ng Comelec ang resulta ng halalan dahil magkakatugma ang kanilang recounts.
Gayunman, umaasa ang publiko na mareresolba na rin ang katanungan kung sino ang nanalo sa pagka-bise presidente sa nakaraang halalan. Magpupulong ang PET sa Oktubre 8 upang resolbahin ang usapin na kung tatanggapin nito ang resulta ng recount na nagpapatibay sa pagkapanalo ni Robredo sa eleksyon o kaya’y ituloy ang kaso para matukoy kung nagkaroon ng pandaraya. Nararapat lamang na hindi na maaantala ang pagpapalabas ng desisyon sa usapin dahil sa kabuuuan ay nakasalalay dito ang kredibilidad ng halalan sa ating bansa.