MATUTUNGHAYAN ng Pinoy surfing enthusiast ang husay at galing ng pinakamatitikas na surfer sa mundo sa pagsabak sa 25th Siargao International Surfing Cup simula ngayon sa Siargao --  itinuturing isa sa pinakamagandang surfing destination ng One Conde Nast Traveler's.

Kinikilalang QS1,500 event ng World Surf League (WSL) Asia.

Skip McCullough, 2018 champion.

Skip McCullough, 2018 champion.

Ang Siargao surfing competition ang kauna-unahan at pinakamatagal nang international tournament sa bansa.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez

Bunsod nito, naisama ang Siargao sa listahan ng pinakamagagandang surf sites sa buong mundo.

Ayon kay Siargao Congressman Bingo Matugas, pinuno ng local organizer, ang ika-25 edisyon ng torneo ay isinagawa bilang pagkilala kay dating

General Luna, Surigao del Norte Mayor Atty. Jaime Rusillon.

Sinimulan ni Rusillon, sa pakikipagtulungan ni Surigao Del Norte Gov. Francisco "Lalo" Matugas, ang surfing tournaments noong 1993 sa isinagawang Siargao Surfing Classics.

Namayapa si Rusillon nitong nakalipas na taon.

"This is a milestone for Siargao and the entire surfing industry since we are commemorating our 25th year. But most importantly, we are staging this event to honor the father of surfing in Siargao, Mayor Jaime Rusillon," pahayag ni Congressman Matugas.

"He had the vision of putting Cloud 9 in the global tourism map and, with the support of his good friend, Gov. Francisco 'Lalo' Matugas, made possible the staging of the event year after year, without let-up, despite the challenges they faced," aniya.

Itinataguyod ang Siargao International Surfing Cup ng Globe Telecom at  Sprite, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, Jeep Philippines, Department of Tourism at Office of Congressman Bingo Matugas.

"This will be the Philippines biggest international annual sports tournament and an iconic event that will draw the best surfers in one of the last QS1,500 events in the Asia region," pahayag ni WSL Asia General Manager Steve Robertson.

"We are happy that this event has continued right here where the most perfect waves in the planet are and the WSL is honored to be part of it," aniya.

Mapapanood ang event ng live sa worldsurfingleague.com.