NANGGULAT na naman si Direk Jason Paul Laxamana sa latest film niyang Ang Henerasyong Sumuko sa Love dahil kuwento nito ay akma sa bawa’t isa sa atin.

Cast ng 'Henerasyong Sumuko sa Love'

Punumpuno ang SM Megamall Cinema 7 sa ginanap na premiere night nitong Martes na talagang binabati ang bawa’t cast sa mahusay nilang pagganap sa bawat karakter.

Sabi ni direk JP (tawag sa direktor) bagay daw ang kuwentong ito para sa tulad niyang Milenyal. Hindi po, dahil noong araw ay may mga ganitong tinatalakay na ring problema ang mga kabataan na nabibilang sa Generation X.

Tsika at Intriga

Rhaila Tomakin, nagsalita na tungkol sa kanila ni Kobe Paras

Ipinakita sa pelikula ang istorya ng friendship na kahit nag-a-away-away sila dahil sa kanya-kanyang katwiran ay hindi pa rin nila natitiis ang isa’t isa sa huli dahil nagdadamayan sila.

Ang husay ni Jerome Ponce bilang gay businessman dahil para sa amin ay effortless ang pag-arte niya bilang bading parang bihasa. At aliw ang lahat sa sexy dance niya.

Magaling din si Jane Oneiza as hardworking vlogger dahil may gustong patunayan sa sarili.

Si Myrtle Sarossa na isang promodizer ay takot sa commitment kaya lagi sila nag-aaway ng boyfriend niyang si Albie Casiño na isang old soul at naiiyak kapag nakakapanood ng romcom na happy ending kasi nga nangangarap din siya ng ganu’n sa buhay niya.

At si Tony Labrusca ay single at kahit gusting-gusto niyang magka-girlfriend ay hindi niya magawa dahil mas prayoridad niya ang work dahil sa responsibilidad na ibinigay ng magulang. Kaya nag-focus siya sa trabaho niya hanggang sa tinamaan ng depresyon na hindi naman sinuportahan ng magulang.

Ang ganda ng pagkakatahi-tahi ni direk JP ng kuwento sa bawa’t indibidwal at sabi ng direktor ay nakaka-relate siya ng slight sa karakter ni Tony.

Kami naman ay nakaka-relate sa karakter ni Albie.

Sa mga kabataan ngayon o nabibilang sa milenyal dapat ninyong panoorin ang Ang Henerasyons Sumuko sa Love para kung isa kayo sa karakter, alam n’yo kung paano i-tackle ito.

Palabas na ang pelikula kahapon, Oktubre 2 handog ng Regal Films.

-Reggee Bonoan