BIBIDA!

HINDI isa, bagkus limang premyadong atleta at potensyal ‘gold medalist’ ang tatangan sa bandila ng Pilipinas bilang flag-bearer sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

YULO

YULO

Bibida para sa hanay ng atletang Pinoy – magtatangkang muling makamit ang overall championship – sina boxer Eumir Marcial, lifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena at skater Marge Didal sa ‘athletes parade’ ng biennial meet.

Pagtaas ng 15% sa kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Kung walang magiging hadlang, ang lima ay potensyal na makausad sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kay SEAG chief of mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, inihayag niya ito matapos ang serye ng pakikipagpulong sa Cluster officials, PHISGOC at Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Rep. Bambol Tolentino.

Lutang ang pangalan ng lima bunsod nang impresibong kampanya sa international scene nitong mga nakalipas na buwan kung saan nakamit ni Diaz, 2016 Rio Olympics silver medalist, ang bronze medal sa IWF World Championships sa Pattaya, Thailand, at si Marcial, ay nakapaguwi ng silver medal mula sa AIBA World Championships sa Ekatenrinburg, Russia.

Tinanghal naman na unang Pinoy na nakapasok sa 2020 Tokyo Games ang 25-anyos na si Obiena matapos lagpasan ang Olympic qualifying sa nalundag na 8.81 meters sa pole vault sa torneo sa Italy, habang si Yulo, ay nakatakdang sumagupa sa  world gymnastics championships ngayong weekend sa Stuttgart, Germany.

Nakalinya naman si Didal, 2018 Jakarta Asian Games gold medalist, sa tatlong Olympic qualifying meet.

Noong 1991 SEAG, bumida sa opening ceremony ang ‘fast at future’ sports hero nang tumakbo at nakiisa sa pagsindi ng torch sina basketball legend Caloy Loyzaga, bowling icons Paeng Nepomuceno, sprint superstar Lydia De Vega at noo’y junior golf champion na si Gerald Cantada. Nick Giongco