NAKAPUWERSA ng do or die Game 3 ang University of Santo Tomas makaraang pataubin ang Ateneo de Manila, 24-26, 25-18, 25-17, 25-17, kahapon sa Game 2 ng 2019 PVL Collegiate Conference semifinals series sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sina Janna Torres, Imee Hernandez, at Eya Laure sa nasabing panalo ng  Golden Tigresses na nagtabla ng serye sa 1-2.

Tumapos si Torres na may 14 puntos na tinatampukan ng 10 attacks at 3 kill blocks kasunos si Hernandez na may 10 hits at isang ace.

“Last time, kami ‘yung wala sa laro e, physically present kami pero distracted lahat kami. Mentally, lahat ng instruction, actually kahit simpleng instruction lang hindi nila masunod,” pahayag ni UST head coach Kungfu Reyes.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“This time, at least nahimasmasan sila noong training nila ng nakaraan, mas relax na sila so na-identify na nila ‘yung strength namin, doon kami nag concentrate sa strength namin,” dagdag nito.

Nagpamalas naman ng all-around performance ang UAAP Season 81 Rookie of the Year na si Laure sa ipinoste nitong 10 puntos, 14 excellent digs at 4 na excellent receptions.

Hindi naman nalalayo ang kanyang ate na si EJ Laure na nagtala ng 8 puntos at 13 excellent digs.

Naging malaking problema ng Lady Eagles sa nasabing laro ang napakarami nilang errors na umabot ng 38 kumpara sa 19 lamang ng Tigresses.

Nanguna para sa nabigong Ateneo si Vanie Gandler na may 15 puntos at 16 excellent receptions kasunod si Faith Nisperos na may 12 puntos. Marivic Awitan