PEEK-A-BO!

WALANG lugar ang istilong merkulyo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Ito ang sampal na tiyak na gumising sa kamalayan ni University of the Philippines (UP) coach Bo Perasol.

BULAG KA BA! Kinompronta ni UP coach Bo Perasol ang referee hingil sa ‘no-calls’ na nakasira sa momentum ng Maroons sa laro laban sa Ateneo Blue Eagles. Pinatawan siya ng tatlong larong suspensyon ng UAAP. RIO DELUVIO

BULAG KA BA! Kinompronta ni UP coach Bo Perasol ang referee hingil sa ‘no-calls’ na nakasira sa momentum ng Maroons sa laro laban sa Ateneo Blue Eagles. Pinatawan siya ng tatlong larong suspensyon ng UAAP. RIO DELUVIO

Matapos ang pagpupulong, iginawad ng Management Committee ng premyadong collegiate league ang tatlong larong suspensiyon sa nawala sa wisyong si Perasol.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Ang nasabing kaparusahan ay bunga ng kanyang inasal ng komprontahin ang referee sa kainitan ng laro sa pagitan ng UP Fighting Maroons at two-time defending champion Ateneo de Manila University Blue Eagles nitong Linggo.

“After thorough review and careful deliberation made by the technical committee, we deemed it fit that the penalty of three-game suspension handed to coach Bo Perasol for his actions in the game between Ateneo de Manila University and the University of the Philippines last Sunday,” pahayag ni UAAP Basketball Commissioner Jensen Ilagan.

May natitirang 6:23 sa third period ng nasabing laro, pumasok si Perasol sa loob ng playing court at kinumpronta si referee Jaime Rivano bunsod umano ng sunod-sunod na ‘no calls’.

Dahil dito, tinawagan siya ng dalawang technical fouls dahil sa ipinakitang  ‘unsportsmanlike behavior’ na naging dahilan ng kanyang ejection.

Base sa nakasaad sa Article 9.2.1 ng UAAP General Tournament Guidelines, 2019, na sinumang student-athlete, coach, trainer, o team manager, team official o delegation member na matu-thrown out dahil sa  unsportsmanlike behavior ay hindi papahintulutan na makalaro sa susunod nilang laban.

Ang karagdagang 2 larong suspensiyon kay Perasol ay dahil sa hindi nito pagpapaawat sa pagsugod sa game official kahit inaawat na sya ng kanyang mga manlalaro.

“Do acknowledge that similar actions of the same grain shall be dealt with similar penalties,” dagdag ni Ilagan.

“May this incident be an example for players and coaches alike to exhibit tremendous restraint and discipline, not just towards officials but everyone on the court. We’d also like to remind the teams that there are proper avenues to raise these contradictions and complaints to protect the sanctity of the game we all love.”

Ang suspensiyon ni Perasol ay mangyayari sa mga sumusunod na laro ng UP: kontra Far Eastern University sa Oktubre  6, University of the East (Oktubre 12) at University of Santo Tomas (Oktubre  16). Marivic Awitan