Bilang pagbabalik-tanaw sa sampung taong pagpapasaya sa madalang pipol, ihahatid ng It’s Showtime family sa kanilang 10th anniversary month ang “Sampu Sample”, sampung sorpresa na sisimulan ngayong Oktubre kung saa’y iniimbitahan ang madlang pipol na makibahagi hindi lang sa pagpapasaya kundi para na rin sa pagtulong sa kapwa para sa pagmamalasakit sa ating kalikasan. Isa si Karylle at mga kasamahan na magpapakita ng malasakit sa ating kalikasan na kanilang ibabahagi sa kanilang production number na kinunan pa sa Eco Park sa Quezon City.

Anne

Gaya ni Karylle, sa bawa’t production number mula kina Vice Ganda na kasama ang ‘Miss Q and A’ top 3 winners, Anne Curtis, Amy Perez with ‘Bidaman’ finalists and winner Jin Macapagal, Jugs and Teddy with “Ate Girl” Jackie, Ion Perez at Stephen, Ryan Bang with Girltrends, at Vhong Navarro and the Hashtags, asahang may tema tungkol sa preservations ng ating kalikasan.

Sa ginanap na 10th anniversary press con ng It’s Showtime sa Dolphy Theater nitong Lunes, naging mainit ang question-and-answer sa hosts ng It’s Showtime. Napikon si Anne sa paulit-ulit raw na tanong sa kanya kung kailan siya mabubuntis? In fact gusto ring malaman ng lahat kung kailan dahil ilang taon na ring kasal sila Anne at Erwan Heusaff at hanggang ngayo’y wala pa yata silang plano na magka-baby?

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!

Una, kalmadong sinasagot si Anne kung kailan nito balak o planong mabuntis.

Sa mahinahon nitong salita, aniya, “I think it all happens in God’s time, in God’s perfect time and anytime naman, I’m ready for it.”

Hanggang sa biglang kambiyo ang Anne sa kinaiinisang tanong sa kanya.

“And I think I should take this opportunity that press should stop asking that question to any woman kasi you don’t know what they’re going through. Anytime naman, I’m ready for it (magbuntis). But I’m speaking for every woman, you don’t know what they’re going through,” sey ni Anne.

Sinabi pa ni Anne na she also feels bad kapag nakakarinig siya ng pang-uurirat sa isyung pagbubuntis dahil may mga kaibigan din siyang nagta-try mabuntis pero hindi nasusuwertehang magka-baby?

Sey ni Anne, “I have a lot of friends who may be trying, and medyo nakakasakit when people keep asking them, ‘When are you going to have a baby?’ Or maybe they just don’t want to have a baby,” aniya.

“Oo nga, para ka lang tinatanong kung kailan ka gaganda?” singit pang biro ni Vice.

Sa bandang huli, humingi rin siya nang paumanhin sa nagtanong. Ang sa kanya lang daw ay respeto sa kapuwa niya kababaihan.

Pakiusap niya, “I hope you guys don’t take this the wrong way but I think in respect to every woman you should stop asking that whether when they’re getting married or why don’t they have a baby or when they’re having a baby?”.

Nag-sorry naman ang nagtanong at ganti ni Anne, “It’s okay.”

-ADOR V. SALUTA