SA nakalipas na siyam na edisyon ng Southeast Asian Games, dominado ng Blu Girls at Blu Boys ang kompetisyon.

Tanging ang 1997 edition sa Jakarta ang kaganapan na kinapos ang Blu Boys para sa double celebration ng bansa.

Blu-Girls

Para kay Amateur Softball Association of the Philippines operations manager Ysmael “Jun” Veloso, handa at malaki ang tsansa ng koponan na muling maging dominante sa biennial meet.

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

“Wala pa ring tatalo sa Pilipino sa softball,” pahayag ni Veloso.

Batay sa resulta ng nakalipas na kampanya ng Philippine Team sa  Asian Championship ang basehan  ni Veloso para maging kumpiyansa sa SEA Games.

“Our Blu Boys bronze medal windup in the last Asian championship is proof that no one among Southeast Asian neighbors can hold a candle against us,” aniya. “Malayo pa rin sila sa atin.”

Kinatigan ito nina head coach Eufracio dela Cruz at assistant Ray Pagkaliwagan at iginiit na ang pagkakapanalo sa Asian championship ay sapat na para patunayan na may ibubuga ang batang line-up ng Team Philippines.

“It looks like several of our players are already in their advanced age so, ,  pinalitan na agad namin ng bata for future competitons we are committed to take part in,” sambit ni Dela Cruz.

Iginiit ni Pagkaliwagan, na mas bumilis at masigasig ang laro ng Team Philippines, sa pagkakadagdag ng mga batang player.

“The addition of fresh graduate from college like pitchers Marlon (Parkaliwagan), Leo (Barredo) and Reagan Parco strengthens our first line of defense and, likewise, that of fielder Michael (Pagkaliwagan),” aniya.

“The presence of outfielders Denmark Bathan and catcher cum shortstop improves our offense.”

Kasam rin ang mga beteranong sina internationalists pitcher Rey Aliping, catcher Melvin de Castro, fielders John Norwen Lucas, Kim Carlo Garcia, Justin Rosales, Gino Riparip, John Israel Antonio, Jorel Magayaga, Dave Millanes at Julius.