NOON pa man, isang diamanteng iningatan ng Patafa si Ernest John Paul Obiena.

Ngayong, nalilinya na ang 26-anyos na UST standout, sa mga world-class athletes, tiniyak ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na makakamit niya lahat ng suporta para matupad ang matagal nang inaasam ng sambayanan na Olympic gold.

OBIENA: Pambato sa Tokyo Games.

OBIENA: Pambato sa Tokyo Games.

At bilang paghahanda, sadsad na sa pagsasanay si Obiena para sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We are monitoring EJ’s (Obiena) progress. Athletics, being a centerpiece event of the SEA Games, was infused with government support as is usual in the international events our athletes take part in," pahayag ni Ramirez.

Sa 2017, hindi nakasama si Obiena sa  Kuala Lumpur SEA Games matapos magtamo ng  ACL injury sa  kanyang ensayo.

Pitong buwan ang ginugol ni Obiena upang magpagaling, na agad sinundan ng matinding training  sa  Formia, Italy  sa ilalim ng  coach na si  Vitaly Petrov, na siya ring naging coach ng  pole vault legend  na si Sergei Bubka.

Kamakailan lamang, pinatunayan ni Obiena ang kanyang galing hindi lamang para sa paghahanda sa nalalapit na biennial meet ngunit pati na rin sa paghahanda sa 2020 Olympics.

Dahil dito ay naniniwala si Ramirez na kailangan paigtingin ng PSC ang suporta para kay Obiena at sa iba pang mga atletang Pilipino

“EJ has proved himself more in his desire to chase his SEA Games dream. We, in the PSC, are with him. Let us support EJ and the other Filipino athletes,” ani Ramirez.

Tiyak na ang gold medal kay Obiena sa SEAG kung pagbabatayan ang markang naitala niya sa Golden Spike of Ostrava at sa  International Stabboc Spring Meeting sa  Germany, kung saan ay lumundag siya ng  5.45 at  5.51 ayon sa pagkakasunod. Ang SEAG gold medal winner sa 2017 ay 5.35 meters na nagawa ni Porranot Purshong  ng  Thailand.

Bunsod ng walang humpay na pagsasanay, unti-unti naitaas niObeina ang marka at nitong 2019 Summer Universiade sa Napoli, Italy,  ay nakapagtala ng  5.76 meters, kasunod ang isa pang  gold-medal feat  sa kanyang paglundag ng 5.81meters sa  Men’s Pole Vault  sa  Salto Con L’asta sa  Piazza Chiari 2019 sa  Italy.

Ito ang nagbigay sa kanya ng tiket bilang kauna-unahang Filipino athlete na makapasok sa  2020 Tokyo Olympic Games.

“I'm just trying to look forward and see what there is this year, what happened this year, how good this year has been, "  ayon naman kay Obiena. Annie Abad