PINAGTIBAY ng  Philippine Sports Commission (PSC) ang ugnayan sa mga  local government units (LGUs) sa  Mindanao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga serye ng  Sports for Peace program sa  Maragusan, Compostela Valley at sa  Bukidnon Province.

RAMIREZ: Nakatuon ang PSC sa grassroots program.

RAMIREZ: Nakatuon ang PSC sa grassroots program.

Pinasinayaan ni Maragusan Municipal Mayor Maricel Colina-Vendiola ang orientation ng  Ate-Kuya volunteers na ginanap sa  Mayor’s Conference Room nitong Setyembre 27, na sinundan ng Children’s Games na ginanap naman  sa Maragusan Central Elementary School  nitong Setyembre 28.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Vendiola, kay  PSC Chairman William "Butch" Ramirez sa pagbibigay ng pagkakataon sa nasabing munisipalidad na maisagawa ang Children's Games.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

"Maraming salamat po Chairman Butch  dahil sa paghahatid po ninyo dito sa amin ng Children's Games at buong suporta po na ipinahatid po ng PSC. Maraming salamat po," pahayag ng Mayora.

Isang simple, ngunit makulay na opening ceremonies ang isinagawa bilang pagtanggap sa nasabing event na nilahokan ng kabuuang 200 kabataan at 20 Ate-Kuya  volunteers.

"The colorful flaglets speak about the colors and vibrancy of the hosting," ayon naman kay PSC Mindanao cluster head  na si Ed Fernandez.

Nagpamalas ng mga katutubong laro ang mga nasabing kabataan, gaya ng tug of peace, mukhang kamatis, sack race, hug relay at  balloon race.

Sa  Bukidnon Province naman ay ginanap ang PSC  consultative sports planning  nitong Setyembre 17 at 18 na nilahokan ng  26 partisipante buhat sa 12 munisipalidad.

Kasabay nito ay nagsagawa din ng mga  grassroots coaching clinic sa  table tennis, athletics, taekwondo, boxing, at  badminton buhat Setyembre 17 hanggang 19.

Pinangunahan ni Governor Jose Ma. Zubiri, Jr. ng Bukidnon ang  Children's Games na ginanap sa  Folk Arts Theatre, Kaamulan Park, Malaybalay City na nilahukan naman ng  500  kabataan at inalalayan ng  mga 50 Ate-Kuya volunteers. Annie Abad