TATLONG koponan ang isasabak ng Makati FC para katawanin ang bansa sa 2019 Malaysia Borneo Football Cup na magsisimula sa Martes sa Kota Kinabalu, Sabah.

PANGUNGUNAHAN ni Lance Locsin ng Makati FC, miyembro ng koponan na sumabak sa Paris World Games at Gothia Cup, ang Philippine boys U14 na lalahok sa 2019 Malaysia Borneo Football Cup.   MAKATI FC PHOTO

PANGUNGUNAHAN ni Lance Locsin ng Makati FC, miyembro ng koponan na sumabak sa Paris World Games at Gothia Cup, ang Philippine boys U14 na lalahok sa 2019 Malaysia Borneo Football Cup. MAKATI FC PHOTO

Ang kompetisyon ay isang Tier 3 AFC-sanctioned international youth tournament kung saan isasabak ng Makati FC ang koponan sa boys under-15 (born 2004 or after), boys under-14 (born 2005 or after) at boys under-13 (born 2006).

Bawat koponan ay lalaro ng minimum five games sa tatlong araw na torneo kung saan inaasahan ng Makati FC na magagamit ng kanilang players ang natutunan sa pagsabak sa Gothia Cup at Paris World Games.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasa ika-12 season, ang Borneo Cup ay isang well-organized event at may mataas na kalidad sa international youth tournament.

Pangungunahan ang line-up nina Makati FC boys U15's Matthias Lozano, a team captain from La Salle Zobel, at provincial standouts Leoven Gatungay and Coby Uy of St. Johns Bacolod, at Uriel Dalapo of Ateneo de Davao.

Sasagupa sina skipper Alfonso Gonzalez at Lance Locsin ng Bacolod sa  boys U14 kasama sina Shawn Hissoler at Rafael Reyes ng Siliman University sa Dumaguete, Tres Mariñas of San Carlos at Ivan Nocidad ng Iloilo.

Sasandigan ni Jared Peña ang boys U13 kasama sina Bacolod's Daniel Villanueva and Ron Molequin at Davao's Cian Nogadas. Pangungunahan Tomas at  Lozano, SeLu Lozano, Richard Leyble, Paul Joseph Espinosa at Nii Aryee Ayi.

Matapos ang Borneo Cup, sasalang din ang Makati FC sa youth tournaments sa Japan para sa Japan Invitational on Oct. 28 - Nov. 1, Singapore for the Singapore Cup sa Nov. 3-7 at  Thailand.