PINAGHARIAN ni Neymark Digno na isang first year college BS IHM cruise line operation culinary arts student sa Lyceum of the Philippines University-Manila Campus sa katatapos na MRP Jr. Fide rated standard chess championship Linggo dito sa Gordon College.
Tangan ang puting piyesa, tinalo ni 26th seed Digno ang dating solo leader na si 46th seed Joshua Marquez tungo sa 5.5 points para makopo ang top purse P1,000 plus trophy at medal, brand new shoes courtesy ni China based Joel Pineda at ng titulo na Olongapo chess king.
"Masaya ako sa pagkapanalo kong ito," sabi ng 20 years old Digno na tubong Iloilo na nasa pangangalaga ni Lyceum of the Philippines University-Manila Campus head coach engineer Christopher Cunanan.
Bagama’t nabigo sa huling laro ay nakamit pa din ni Caloocan City bet Marquez ang runner-up prize of P800 plus trophy at medal at brand new shoes. Ang 18-years-old Marquez, first year college BS Information Technology student sa Lyceum of the Philippines University-Manila ay mas mataas ang tie break points kontra kina fellow five pointers Icon Keith Ceprado at Joshua Navarro.
Tinangap ng 18-years-old Ceprado tubong Dipolog City na grade 12 student sa Lyceum of the Philippines University-Manila ang third prize na P500 plus trophy at medal at brand new shoes habang naibulsa naman ni Navarro ang fourth prize P500 plus trophy at medal.Nagpakitang gilas din si Jasmine Zyrelle Navarez na pambato ng Polytechnic University of the Philippines mula sa pangangasiwa ni PUP head coach coach National Master Rudy Ibanez na nakamit ang fifth place na may 4.5 points tungo sa P500 plus trophy at medal.
Ang two-day Fide rated standard event ay nagsilbing punong abala ang Gordon College na suportado ni mayor Atty. Rolen Paulino Jr. sa pakikipagtulungan nina Olongapo City councilor Kaye Ann Legaspi, City Sports and Youth Development Office, Olongapo City , OIC, David B.Bayarong, CSWDO Jhun Pascua at China based Joel Pineda na pinangasiwaan naman nina Fide arbiter Reden Cruz at national arbiter Joel Villanueva ng Chess Arbiter Union of the Philippines.