NAISALBA ng University of the Philippines, sa pangunguna ni Michael Clemente, ang matikas na ratsada ng Adamson University, tungo sa pahirapang 3-2 panalo at makausad sa Final Four sa ikapitong sunod na season sa UAAP Men’s Badminton Tournament nitong Linggo sa PNP Sports Center Badminton Courts.

Pukpukan ang duwelo ng third-year Fighting Maroon laban kay Kevin Fabros, bago nakaungos sa decider, 21-16, 20-22, 21-15, para masiguro ang Final Four slots sa Maroons shuttlers.

“Nag-prepare talaga kami for this season kasi yung goal namin is makabalik ng Finals. Final Four, then Finals,” pahayag ni Clemente. “Gusto rin namin talagang mapag-champion ang UP.”

Haharapin ng UP (3-3) ang top-seeded NU sa semifinals kung saan tangan ng Bulldogs ang twice-to-beat advantage.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Unang nanaig si team captain JM Bernardo kontra Aldous Mercado sa opening singles, 21-6, 21-11, bago nakipagtambalan kay Harvey Tungul, para sa 21-3, 21-11 panalo kina Mercado at David Linaban.

Nakabawi ang Adamson nang gapiin ni Elbren Concha si Kyle Legaspi, 21-19, 22-20, sa second singles match, bago nakipagtambalan kay Johnrick Macabenta kontra kina Vinci Manuel at Jason Vanzuela, 21-15, 21-15.

Nakompleto ng defending five-peat champion National University ang elimination round kontra University of Santo Tomas, 4-1.