Laman ng balita ang Saudi Arabia ngayong weekend. Inanunsiyo nito na nag-aalok na sila ng tourist visa sa kauna-unahang pagkakataon, kasunod ng paglulunsad ng programa ni Crown Prince Mohammed bin Salman upang buksan ang bansa sa mga foreign visitor matapos ang ilang siglong pagka-comparative isolation nito dahil sa kanilang ultra-conservative way of life.
Bilang pinaka-hahalagahang banal na lugar sa Mecca at Medina ng Islam, milyun-milyong turistang Muslim sa buong mundo ang bumisita na sa Saudi Arabia para sa taunang hajj, kabilang ang libu-libong Filipino Muslims na nanggaling pa ng Mindanao. Gayunman, nagtutungo ang mga ito sa lugar para sa kanilang religious reasons; inoobliga ng hajj ang bawat Muslim na maisakatuparan ito kahit isang beses lamang sa kanilang buhay.
Ngayon ay bukas na ang Saudi Arabia sa publiko, mula sa 49 bansa sa buong mundo – hindi lamang sa mga Mulism – at isa iba pa nitong mga lugar. “Visitors will be surprised by the treasures we have to share – five UNESCO World Heritage sites, a vibrant local culture, and breathtaking natural beauty,” ayon kay Saudi tourism chief Ahmed al-Khateeb.
Bilang bahagi ng bago nitong tourism program, luluwagan na ang Saudi Arabia ang dating paghihigpit sa dress code sa kababaihan. Hindi na oobligahin ang mga bisita na magsuot ng abaya na tumataklob sa buong katawan ng mga babae ng Saudi dahil ipinaiiral kapag lumabas sila sa publiko. Gayunman, kinakailangan pa rin nilang magsuot ng “kaaya-ayang damit”.
Ang layunin ng bagong tourism program ay upang maikalat ang ekonomiya nito mula sa kasalukuyang ultra-dependence on oil.
Sa ngayon, ang Saudi Arabia ay world’s top oil exporter; inaangkat lamang ng Pilipinas ang ikatlong bahagi ng kabuuaang pangangailangan nito sa langis.
Nailabas ang kumpiyansang ito nitong nakaraang Setyembre 14 nang magkaroon ng drone attack na pinaniniwalaang kagagawan ng Iran na nagresulta sa pagputol ng produksyon nito sa kalahati.
Bilang resulta ng pag-atake, nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kasabay ng pangambang mawalan sila ng sapat na supply para sa kanilang industriya.
Matapos ang ilang ngpag-atake, tumaas ng $67.55 ang benchmark Dubai Crude nito noong Setyembre 17. Naapentuhan din ang pump prices nito sa Pilipinas na nagtaas ng P2.35 per liter ng gasolina habang tumaas ng P1.80 per liter sa diesel. Dahil dito, napipilitang sumunod na magtaas ang presyuhan sa merkado kasabay ng naranasang inflation crisis noong 2018.
Gayunman, nitong nakaraang Sabado, ito na ang ikalawang malaking dahilan ng Saudi Arabia kaya ito nasa balita nang ihayag nito sa buong mundo na nakumpini na nila ang nasira sa nasabing pag-atake at manunumbalik na ang normal na produksyon nito bago matapos ang buwan na ito.
Sa ngayon, aabot na sa 2.3 milyon ang Overseas Filipino Workers sa Saudi Arabia. Karamihan sa kanila ay doctor at nurse, engineer, at iba pang oil production workers, construction, telecom, at transportation workers. Kasabay ng pagpasok ng Saudi Arabia sa industriya ng turismo, umaasa silang mangunguna sa kanilang manggagawa ang mga Pinoy.