GINAPI ng Choco Mucho, sa pangunguna ni Kat Tolentino, ang Pacific Town Army, 25-20, 17-25, 21-25, 25-11, 15-8 win nitong Linggo para buhayin ang kampanya sa semifinal ng Premier Volleyball League Open Conference sa Flying V Centre sa San Juan City.

Hataw ang solid-hitting spiker sa naiskor na 24 puntos, tampok ang 22 spike para sandigan ang Flying Titans sa ikatlong sunod na panalo at ikalima sa kabuuang 11 laro.

Nag-ambag si Maddie Madayag ng 14 hits.

Nakawala sa Lady Troopers ang tsansa na agawin ang panalo matapos makamit ang third set at dalawang set advantage para makasama sa two-way tie sa No. 4 kasama ang Motolite.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanaig naman ang Ateneo at College of St. Benilde sa magkahiwalay na laban para makalapit sa posibleng title showdown sa Collegiate Conference.

Kumana si Faith Nisperos ng 19 puntos sa dikitang laban kontra University of Santo Tomas Tigresses, 25-15, 26-28, 25-16, 25-18.

Nagsalansan naman si Klarissa Abriam ng 27 puntos para sa Lady Blazers, tungos sa 26-24, 29-27, 17-25, 21-25, 15-13 panalo sa Group A top seed Adamson.

Mistulang hindi nagtamo ng injury si Alyssa Valdez sa kanyang pagbabalik aksiyon para tulungan ang Creamline kontra Air Force Jekasa, 25-15, 25-16, 25-18, para sa ika-11 sunod na panalo at top seed sa semifinal.

Laglag ang Lady Jet Spikers sa 5-6.

Mga Laro sa Miyerkoles

(Flying V Centre, San Juan)

4:00 n.h. -- Choco Mucho vs Motolite

6:00 n.g. -- Chef’s Classic vs PetroGazz